^

PSN Opinyon

Mansion ni Villar sa Utah, USA magpapabagsak sa kanya

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -

Pinagkakaguluhan ang mabilis na pagkalat ng magan­dang litrato sa internet sa computer na natatanong kung kanino daw kayang bahay ang binabanggit dito; sa Ameri-can Billionaire, sa isang Saudi Prince o kaya sa isang Louis XIV ng France. Ang nasabing mansion ay nasa Salt Lake City, Utah, USA. Ito daw ay pag-aari ni Sen. Manny Villar ng Philippines. Marami ang hindi makapagsalita ng makita ang marangyang litrato.

Maaaring totoo nga na ang nasabing walang halos na kapantay na bahay ay pag-aari ni Sen. Manny Villar, ang tumatakbong presidentiable candidate na halos pantay na pantay na ng paboritong kandidato ng Pilipinas sa pagka-pangulo. Hindi man minsan nabanggit ang mansion na ito kahit na saan pa, Parati na lamang nababanggit na si Villar ay isang kandidato na sa kahirapan nagmula. Kasama ang ina, nagbenta si Villar ng isda at mga produkto sa palengke.

Sa simula pa man. Hindi naging malapit ang mga Pil-Ams kay Villar. Hindi man ako nagkaroon ng pagkakataon na nakaranas na nakipagdaupan ng maliitan o malakihan ang mga Pinoy sa Amerika kay Sen. Villar. Kung kaya’t hindi namin kilala si Villar maliban sa mga naririnig namin tungkol sa media na pawang sophisticated at pinaganda na.

Nang makita ko ng malapitan ang litrato na sinasabi nilang pag-aari ni Villar. Hindi ako makapaniwala sapagkat ito ay daig pa sa mga bahay ng mga prinsipe ng mga mayayaman sa Saudi na mga may-ari ng mga pinagkukuhanan ng langis. Papaano mangyayari ito, isa lamang mahirap na Pinoy na nanggaling bilang nagbebenta ng isda sa Pilipinas si Villar? Maliban lamang na talagang sabit rin si Villar sa graft and corruption na pinasukan na rin ang mga mayayaman sa oil.

Sa nasaksihan kong ito sa karangyaan ng mansion ni Vil- lar, muling tumibay ang paniniwala ko na mahirap yatang ibigay ko ang boto ko kay Manny Villar bilang pangulo ng Pilipinas sa 2010. S a aming pakiramdam, mas mayaman pa siya sa nadidinig naming kayamanan ni GMA at ng ibang mga nakapaligid sa president. Sa ngayon, ayon sa mga balita namin, ang gastos daw ng kampanya daw ni Villar sa pagka-pangulo ng Pilipinas ay umaabot na sa mahigit na P1B. Sobrang kalabisan na yata ito, sa amng palagay sa pagka-pangulo ng Pilipinas sa eleksyon ng 2010. Meantime, ang mansion ng litrato ni Villar ay patuloy pa ring nagpapabagsak kay Villar.

AMERI

AMERIKA

MANNY VILLAR

PILIPINAS

PINOY

SALT LAKE CITY

SAUDI PRINCE

VILLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->