^

PSN Opinyon

Gantimpala para sa katapatan?

K KA LANG? - Korina Sanchez -

NABANGGIT ko na maraming sektor ang nangangamba sa PMA Class ’78, kung saan maraming miyembro ng batch na ito ang kasalukuyang nasa iba’t ibang posisyon sa gobyerno. Na dahil dito ay baka magamit ang nasabing batch kung sakaling magkaroon ng kapalpakan sa eleksyon, o kaya’y magamit mismo para sa mga planong pulitikal ng Presidente. Tila lumakas pa ito sa bagong hirang na Armed Forces chief of staff Lt. Gen. Delfin Bangit, miyembro rin ng PMA Batch ’78. Marami ang nagsasabi na ito’y gantimpala para sa kanyang katapatan kay President Arroyo.

Si Bangit ang pinuno ng Presidential Security Group noong sunud-sunod ang mga coup laban kay Arroyo. Naging hepe rin ng Intelligence Service of the AFP, kung saan nagpa-Christmas party nang magarbo noong 2006. Ang naging alyas niya sa ISAFP ay “Emperor”. Kaya parang damang-dama niya ang pagiging pinuno kung saan man siya italaga. Ngayon, “Emperor” na ng AFP. Di kaya kung saan-saan din niya dadalhin ang kanyang kaharian? Ang kanyang army?

Ayon naman sa tagapagsalita ng AFP, naniniwala siyang magiging propesyonal si Bangit, at sana ay bigyan siya ng pagkakataon para magsilbi nang maayos sa bansa. Lahat naman iyan ang inaantabayanan. Na ang isang sundalo ay mananatiling “neutral” pagdating sa pulitiko. Na ang pangunahing tungkulin ay bantayan at alagaan ang kapakanan at kapayapaan ng bansa at labanan ang mga kaaway nito, kahit sino pa iyon. Pero hindi na rin bago sa Pilipino na ang isang heneral ay tapat sa kanyang presidente. Mahalaga ang militar sa tibay ng isang administrasyon. 

Di rin nakatulong na maraming opisyal ng AFP ang nalampasan o nalaktawan ni Bangit. Baka isang araw ay ikasama ng loob ang pangyayaring ito at ilabas na lang ang kanyang galit sa masamang paraan. Wala na sigurong magagawa kundi bantayan na lang ang mga magiging kilos ni Bangit. Kung magiging tapat nga siya sa bansa, at hindi sa isang tao lamang. Lahat naghahanda na para sa darating na eleksyon. Sana ang AFP sa ilalim ng pamumuno ni Bangit, ay naghahanda na ring proteksyunan ang halalan, at hindi ang ilang kandidato lang.

vuukle comment

ARMED FORCES

AYON

BANGIT

DELFIN BANGIT

INTELLIGENCE SERVICE

KAYA

LAHAT

PRESIDENT ARROYO

PRESIDENTIAL SECURITY GROUP

SI BANGIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with