'Even rains won't solve Mindanao power crisis'
KAHIT umulan pa nang pagkalakas-lakas at mapuno ang Lake Lanao sa Lanao del Sur at ang Pulangi River sa Bukidnon magkakaroon pa rin ng power crisis sa Mindanao.
Ang Lake Lanao at Pulangi River ay ang main sources ng hydroelectric power na siyang pinakamalaking pinagkunan ng energy, na tinatayang may 60 percent ng requirement ng buong isla.
Maliban sa hyrdroelectric power, 12 percent naman sa power supply sa Mindanao ay galing sa geothermal sources; 22 percent diesel, at six percent coal-fired.
Kaya masyadong naapektuhan ang Mindanao sa El Niño dahil nga ito ay naging largely dependent on hydroelectric power at napakababa na ng water levels kapwa sa Lake Lanao at the Pulangi River.
Pumalo na nga sa 750 megawatts ang naging power generation deficiency sa Mindanao nitong mga huling araw habang zero nga power reserves nito.
Ngunit hindi sa kakulangan ng ulan natatapos ang problem. Ang tagtuyot ay naging aggravating circumstance lang na lalong nagpalala sa power crisis na dinaranas ng Mindanao ngayon na kung saan umaabot sa kalahating araw ang mga blackouts sa iba’t-ibang bahagi nito dahil nga sa puwersahang load curtailment.
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines ang problema ay nasa kakulangan talaga ng supply as against the fast-increasing demand for power in Mindanao.
Sinabi ni Ed Calabio, ang NGCP executive officer for Mindanao, na nanatiling pareho pa rin sa 2006 levels ang power supply or capacity ng isla habang lumulobo naman ang demand nito dahil nga dumarami ang investments sa area. Nagsusulputan ang mga malalaking malls at dumarami ang mga industrial consumers gaya ng mga pagawaan o mga factories kaya umaakyat din ang demand for power sa Mindanao.
Huling nagkaroon ng bagong power plant sa Mindanao noong 2006 na isang 200MW coal-fired power plant na tinayo ng STEAG firm ng Aboitiz Equity Ventures (AEV) sa Misamis Oriental. Hindi na nasundan ang STEAG ngunit patuloy na tumataas naman ang demand ng power sa Mindanao.
Kaya kahit babaha ang Lake Lanao at Pulangi River hindi pa rin mawawala ang power crisis sa Mindanao dahil nga walang bagong projects na puwedeng pagkunan ng dagdag na power supply sa katimugan.
Pero isa ang sablay dito – kinakailangang taasan daw ang existing power rates sa Mindanao na nasa P2/kilowatt hour lang habang ang ibang lugar ay pumapalo na sa higit P20/kw naman.
Sobrang mura raw ang power rates sa Mindanao at hindi na naging kaayaaya para sa mga investors na papasok sa power industry sa isla.
At habang mananatiling mababa ang power rates sa Mindanao, ayon sa NGCP, wala talagang bagong investors na papasok.
Ngunit, ang problema ay ang proposed power rate increase ay maging dagdag pasanin na naman para sa mga consumers na masyado nang hirap sa buhay dito sa Mindanao.
Government should strike a balance sa usaping ito. Totoong kailangang magbayad ng mas mahal ang mamamayan upang magkaroon ng steady supply ng power sa Mindanao.
Ngunit huwag naman sanang maging daan ito na titiba ng limpak-limpak ang mga investors na papasok na hindi nila iisipin ang kapakanan ng nakakaraming Mindanaoan. Huwag naman silang gahaman.
- Latest
- Trending