^

PSN Opinyon

Sobrang paninigarilyo dahilan ng cancer sa kidney

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

MARAMING epekto ng paninigarilyo sa katawan ng isang tao. At kung akala n’yo na cancer sa baga lamang ang idinu­dulot ng paninigarilyo, maaari ring magkaroon ng cancer sa kidney ang labis manigarilyo.

Ang cancer sa kidney ay kumikitil ng 10,000 katao bawat taon. At sa kasalukuyan, tinatayang 20,000 bagong kaso ng cancer sa kidney ang napaulat. Mas tinatamaan ng cancer sa kidney ang mga kalalakihan kaysa mga kaba­baihan. Tinatawag din ang cancer na ito na renal cell carcinoma.

Kagaya ng ibang cancer, hindi rin malaman kung saan nanggaling o ano ang pinagmulan pero pinaniniwalaan na ang labis na paninigarilyo ang dahilan nito. Sa pag-aaral, napag-alaman na mas marami ang nagkaroon ng cancer sa kidney sa mga smokers kaysa sa non-smokers­. Umano’y nakita sa ihi ng mga smokers ang toxic products ng sigarilyo. Ang pag-aaral na ito ang naging basehan kaya nasabing ang mga labis mani­garilyo ang nagkakaroon ng cancer sa kidney.

Hindi agad mapapansin ang cancer sa kidney sa early stages nito. Mahirap kasing makita dahil sa lokasyon ng kidney at hindi rin nagbibigay nang agarang kirot o kaya’y nagkakaroon ng pagdu­rugo. Ang tanging sintomas ay ang pagka­karoon ng dugo sa ihi. At hindi rin kaagad nakikita ang pre­sensiya ng dugo sa ihi kaya nararapat na pa­ ulit-ulitin ang test.

Kapag nagkaroon ng sus­petsa na may cancer sa kidney, dapat isa­gawa ang CT scan sa ba­haging abdomen. Agad ding magka­karoon ng paghahanap sa metastases sa baga, atay, at utak.

Ang National Cancer Institute ay gumagamit ng high-dose chemo­therapy plus interleukin. Ito ay biologic agent na nagmo-modulates sa immune system ng pas­yenteng may metastatic renal cell cancer.

ANG NATIONAL CANCER INSTITUTE

CANCER

KAGAYA

KAPAG

KIDNEY

MAHIRAP

SHY

TINATAWAG

UMANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with