Big man with a big heart
NAGING mabilis ang pasya ng OFW Family Club na magbigay ng supporta kay former Senator Frank Drilon sa kanyang pagtakbo muli bilang senador. Hindi na kailangan ng Club ang maraming advertisement upang malaman kung sino si Drilon, dahil alam na ng Club kung sino siya, magmula pa noong unang itinatag ang samahan.
Alam ng Club na si Drilon ay nakilala bilang “Big Man” sa Senado, ngunit alam na alam din na siya ay mayroong “Big Heart” para sa mga OFW at sa mga pamilya ng OFW. Sinasabi ito ng Club dahil alam namin na si Drilon ang nagpasimuno sa pagtatayo ng OWWA centers sa iba’t ibang bahagi ng mundo kung saan maraming OFW, bilang tugon sa kakulangan ng gobyerno noon na tumulong at magbigay kalinga sa mga kababayan sa abroad.
Naaalala ko pa na si Drilon mismo ang nagpunta sa pagbukas ng pinaka-unang OWWA center, upang tiyakin na maging tama ang pagtayo nito, ayon sa kanyang kagustuhan. Todo bigay ang kanyang binigay na supporta sa unang OWWA center, at pagkatapos noon, tinuluy-tuloy niya pa ang pagbigay ng supporta, hanggang sa dumami ang mga OWWA center sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Malaking samahan ang OFW Family Club, dahil sa ngayon pa lang ay umaabot na sa 800,000 ang mga kasapi nito. Malaki man ang mabibigay ng Club na suporta kay Drilon, wish ng Club na mas malaki pa sana ang maitulong sa kanya, dahil kung walang mga OWWA centers, lalong mahihirapan ang mga OFW.
Totoo naman na may mga embahada at consulado tayo sa iba’t ibang bahagi ng mundo, ngunit gaano man kalaki ang mga diplomatic at consular missions natin, talagang napakarami din talaga ng mga OFW sa abroad. Bilang tugon sa kakulangan, ang mga OWWA centers ang nagiging takbuhan ng mga OFW na inabuso ng kanilang mga employer. Maliban pa sa pagiging mga shelters, ang mga OWWA centers ay nagiging mga social centers na rin, dahil ito ay may kasamang mga billiard at pingpong tables, mga library at mga meeting rooms.
Hindi kataka-taka kung bakit nagkaroon ng “Big Heart” si Drilon para sa mga OFW. Siya ay naging Executive Secretary, naging Labor Secretary at naging Justice Secretary din. Kaya naman siguro naisip niyang magbigay ng justice para sa mga kasama sa hanay ng mga workers, nasa Pilipinas man sila o nasa abroad. Mabuhay ka, Senador Frank Drilon, at salamat sa “Big Heart” mo!
- Latest
- Trending