^

PSN Opinyon

Sa huli.sa ina pa rin!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

HINDI masisisi ang mga lolo’t lola na ayaw ipagpaubaya sa magulang ang pag-aalaga sa kanilang apo.

Marahil kasiguraduhan lamang ng magandang buhay at maayos na kalagayan ang nais nila para sa kanilang sanggol na apo.

Ngunit ayon sa batas, hangga’t wala pang pitong taon ang bata ay dapat nasa magulang ito lalung-lalo na sa kaniyang ina.

Matindi ang pakikipaglaban at pagmamatigas ng mga biyenan ng isang 26 anyos na ina na lumapit sa BITAG.

Bukod sa tutol sa kanilang relasyong mag-asawa ang kaniyang dalawang biyenan, ayaw rin ibigay sa kaniya ang sanggol na anak habang nasa barko na ang ama ng bata.

Dahil dito, kasama ang Womens Desk ng Quezon City Police Station 3, Department of Social Welfare and Development-Quezon City (DSWD-QC) at BITAG, tinu­ngo namin sa Brgy. Bahay-Toro ang bahay ng kaniyang biyenan.

Ang siste, halos limang oras nag-antay ang grupo ng BITAG, mga operatiba ng Women’s Desk at DSWD-QC sa labas ng bahay ng biyenan ng nagrereklamo.

Nagmatigas itong di- lumabas at pilit itinago ang sanggol sa loob ng kanilang bahay.

Ilaban na lamang daw ng ina sa hukuman ang bata at tanging court order lamang daw ang magsasabi kung dapat ibalik ang sanggol sa ina.

Maya-maya lang, isang tropa pa ng mga nagpakila-lang guro ng isang kilalang unibersidad ang umeksena at balak pigilan ang ginagawa ng mga pulis at social worker ng Quezon City.

Sa huli, nahilot at napakiusapan rin ng barangay at Social Worker ng Quezon City ang mga biyenan ng nag­rereklamo.

Nakapasok sila ng loob ng bahay at naipaliwanag ng maayos ang napapaloob sa batas hinggil sa kustodiya ng bata.

Sa kondisyong, sasama ang biyenan sa paghahatid sa bata sa bahay ng ina, ibabalik nito ang sanggol sa kaniyang nanay.

Ayon sa Quezon City So-cial Worker, bagamat naibalik na sa ina ang kaniyang sanggol na anak, hindi nangangahulu-gang permanente na ang pa­nga­ngalaga nito sa bata.

Sasailalim pa rin sa obser­basyon ng DSWD ng Quezon City sa loob ng isang buwan kung maaalagaang maigi ang bata sa poder ng kaniyang ina…Buong detalye, ngayong Sabado sa BITAG.

AYON

BAHAY

BATA

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT-QUEZON CITY

INA

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE STATION

QUEZON CITY SO

SOCIAL WORKER

WOMENS DESK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with