Magkano talaga ang katiwalian?
NOONG dekada-’60 at ’70, ang kickback daw ng mga kawatan mula sa government projects ay paga-10%. Naging 20% ito nu’ng dekada-’80 at ’90. Pero ngayon sob rang ganid na ang mga pinuno: 30% na ang kumisyunan.
Ang national budget sa taong 2010 ay P1.5 trilyon. Ibig sabihin nito ay mag-aambag ang bawat isa sa 90 milyong Pilipino — pati ang bagong silang na sanggol sa squatter colony — ng P16,670 upang sustentuhan ang gobyerno. Para mas madaling maintindihan, P1,389 kada buwan ang iaambag ng bawat isa.
Pero P450 bilyon ng P1.5 trilyon — 30% na “kalakaran” o “S-O-P” — ay ibubulsa ng mga tiwali. Ibig sabihin, P5,001 ng bawat ambag nating P16,670 ay mananakaw. Muli para mas madaling maintindihan, para tayong nakikilan nang tig-P416.70 kada buwan.
Bahagi ng nakaw na P450 bilyon ang ginagamit ng mga politiko at partido para bilhin ang boto natin. Ang bilihan ng boto ay naglalaro sa P500-P2,000 bawat botante, depende kung gaano kadesperado ang kandi-dato. Kung gagastahin ang buong P450 bilyon para bilhin ang boto nating 45 milyong botante, babayaran tayo nang P10,000 kada bungo. Pero pinakamataas na bayad na ng politiko sa botante ay P2,000. Kaya may naibubulsa pa rin siyang P8,000 mula sa bawat botan-te. Lamang pa rin siya.
Malinaw na ang solusyon dito ay palitan ang bulok na politiko. Dapat huwag ibenta ang ating boto. Humalal ng mga repormista na babaguhin ang sistema upang tunay na maitaguyod ang kapakanan ng mamamayan.
Malaking pagkakataon ang 2010 presidential, congressional at local elections para palitan ang mga bulok na pinuno. Huwag natin aksayahin ito. Kundi ay lalala lang ang sitwasyon.
* * *
Lumiham sa [email protected]
- Latest
- Trending