^

PSN Opinyon

Paalala sa mga sabungero

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

PINAGBIBIGAY alam ni Atty. Biyong Garing na ang regular sabong day sa Victoria Cockpit Arena, dyan sa Victoria Oriental Mindoro ay tuwing Thursday at Saturday kaya lahat ng manunugal este mali mananabong pala sa Oriental Mindoro ay iniimbinta na magsabong sa mga nasabing araw.

Ano pa ang hinihintay ninyo punta na at baka tumabo pa kayo!

P2.9 billion ng Davao City Hall, asan?

BILLION of pesos ang nabusisi ng Commission on Audit ang hindi ma-account dyan sa munisipyo ng Davao City. Bakit kaya? Base sa report ng cocoa este mali COA pala hindi na nila masilayan ang mga biniling equipment at properties ng city government mula noon December 31, 2003 hanggang 2007. Sabi nga, naglaho. Ayon sa 2003 COA report, hindi na mahagilap ang halagang P291,655,294.66 na pinambili ng “plant, property at equipment” at itinayong gusali. Naku ha! Totoo kaya ito? Building nawawala? Anyway, sa P291,655,294.66, kulang ito ng P19,739,847.98. Gayundin sa account ng “construction in progress” para sa gusali ay sobra naman ng P7,906,643.18. Ang gulo! Hindi matuka este mali matukoy pala ang pagkakaroon at wastong presentasyon ng mga halaga na kumokuwestiyon sa financial statements. Isa lang ang ibig sabihin dito. Hirap ang COA at nalilito kung paano namagik este mali nagawa pala ng Davao City Hall na magtayo ng gusali at bumili ng equipment na sinasabing billion pesos ang halaga at pagkatapos ay nawawala lang na parang bula? Naku ha! Totoo kaya ito? Ano ito sinalamangka? Kahit daw sina Harry Potter at Professor Albus Dumbedore, Hogwart’s Headmaster ay hindi makapaniniwala sa kamang-manghang gawain na ito. Bakit? Invisible este mali incredible pala! Sa mga sumunod na taon, muling hindi maintindihan ng COA ang nawalang P280,629,114.87 na halaga ng gusali at kagamitan Nag­karoon ng hokus pokus base sa report ng COA. Taong 2005, nawala din ang P462,792,048.58 halaga ng buildings and equipment. 2006, P2,933,909,784.17; P2,467,­537,627.74 mula sa general fund; P209,991,058.24 mula sa special education fund at P256,381,098.19 mula sa trust fund accounts. Ano kaya ang masasabi todits ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte, Your Honor? Gusto kasi ng COA na magpaliwanag ng maayos si Digong Duterte para mabigyan linaw ang ulat ng una at malaman ng madlang people sa Davao City kung sino ang tumira ng pitsa. Sino kaya? Ano sa palagay ninyo madlang people of Davao City? Political gimmick kaya ang kuento o gawa-gawa lamang ng ilang critics sa politics ang issue? Imposibleng bola ito dahil mismo ang COA ang nagsasabing may nawawalang ma­laking halaga. Sabi ng ilang critics ni Digong sa mga kuwago ng ORA MISMO, baka magkaroon ng malaking problema ang kanilang Mayor dahil sa pagkalkal ng COA sa mga ginastos sa munisipyo. Tumatakbong Vice Mayor ng Davao City si Digong at ang anak naman nitong bebot ay tuma­takbong Mayor kalaban si House Speaker Prospero Nog­rales. Sabi nga, magandang bakbakan! Marami ang nagtataka kung bakit hindi Congressman ang tinakbo ni Mayor Duterte sa Davao at vice lamang ang kanyang pinusturahan. Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, oras na manalo ang mag-ama sa eleksyon tiyak daw na si Digong pa rin ang magpapatakbo ng Davao City. Hintayin!                                                         

Mr. EVAT 4 Senator

TAKBO palang Senator si Ralph Recto, ang architect ng Expanded Value Added Tax na ikina-asar ng madlang people ng gawin batas ito. Galit na galit ang madlang people sa Philippines my Philippines ng ipatupad ang EVAT dahil para sa mga ito ay pinahirapan sila ng todo ni Recto at ng gobierno ni GMA. Kaya ng muling tumakbo sa pagka-senador si Recto olat ito at ngayon Mayo ay muli niyang hihingi ang boto ng madlang botante para iluklok siya sa Senado. Gawin kaya ito ng mga madlang voter? ‘Asar pa ba sila kay Recto o pinatawad na ito ng bayan?’ Tanong ng kuwagong buwang. ‘Walang puedeng manghula sa sagot ng tanong mo Kamote’ sabi ng kuwagong maglulupa. ‘Kaya nga ano sa palagay mo?’ ‘Kamote, alam mo naman up to now ay hindi ako mapalagay. ‘Ano ang maganda?’ ‘Mag­hintay ng Mayo para malaman ni Recto kung ilan ang bumoto sa kanya’ Abangan.    

ANO

CITY

COA

DAVAO

DAVAO CITY

DAVAO CITY HALL

KAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with