^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Trahedya sa kalsada, dagat at himpapawid

-

NOONG nakaraang taon, sunud-sunod ang nang­yaring trahedya sa karagatan. Halos magka­sunod na lumubog ang MV Catalyn at MV Baleno. Ang MV Catalyn ay lumubog sa Cavite at ang Baleno ay sa Batangas. Maraming pasahero ang namatay sa dalawang paglubog. Nagkaroon ng imbestigas­yon ang Marina at Coastguard pero hanggang nga­yon ay wala pang malinaw na resulta. Sumisigaw naman ng hustisya ang mga kaanak ng biktima.

Kamakailan, isang eroplano ng Philippine Air Force ang bumagsak sa Gen. Santos City at namatay lahat ang pitong sakay nito kinabibilangan ng isang PAF general iba pang opisyal. May namatay ding sibilyan sapagkat ang erooplano ay sa isang subdi­bisyon bumagsak at tumama sa isang bahay. Nag­karoon din ng imbestigasyon sa pagbagsak. Hang­gang ngayon ay malabo pa rin ang dahilan kung bakit bumagsak ang eroplano. Sa mga nakaraang taon ay sunud-sunod din ang pagbagsak ng eropla­no at helicopters. At sa kabila ng mga insidente, hindi pa rin naman inihihinto ang pagpapalipad sa mga tinataguriang “kabaong sa himpapawid”.

Kung marami ang trahedya sa dagat at himpapa­wid na nangyayari sa bansa, mas marami ang tra­hedya sa kalsada at marami ang humihingi ng hus­tisya. Maraming “bumibiyaheng kabaong” at tila inu-til na ang Land Transportation Office at Land Transport Franchising and Regulatory Board sa paghihig­pit sa mga may-ari ng sasakyan. Nakapag­tataka kung bakit naibibiyahe pa ang mga sasakyan sa kabila na dispalinghado na ang mga ito. Karami­han sa dahilan ng aksidente ay ang pagkasira ng preno. Ibig sabihin, kahit na may deperensiya na ay ibinibiyahe pa.

Katulad ng nangyaring trahedya sa Piat, Cagayan kung saan ay 15 katao, pawang estudyante ang na­matay makaraang banggain ng isang ten-wheeler truck na nawalan ng preno ang sinasakyan nilang jeepney. Sa lakas ng pagkabangga ay nahulog sa ba­ngin ang jeepney at naipit ang mga pasahero. Pa­tungo sa Tuguegarao ang jeepney at ang truck ay sa Piat. Iniimbestigahan na ang panibagong trahedyang ito.

Mapa-dagat, mapa-himpapawid at mapa-kalsada ay may nagaganap na trahedya. At para sa amin, ang kapabayaan at kawalan ng disiplina ang numero unong dahilan kaya nangyayari ang ganito. Dapat magkaroon ng paghihigpit ang LTO, MARINA at iba pang ahensiya na may sakop sa mga kasangkot na sasakyan. Kung walang paghihigpit, marami pang kawawang pasahero ang kakalawitin ni Kamatayan.

BALENO

CATALYN

LAND TRANSPORT FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

LAND TRANSPORTATION OFFICE

MARAMING

PHILIPPINE AIR FORCE

PIAT

SANTOS CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with