^

PSN Opinyon

Natutuyo na ang Isabela!

K KA LANG? - Korina Sanchez -

NARARAMDAMAN na ang hagupit ng El Niño. At unang tinatamaan nang matindi ay ang Isabela sa Ca­gayan Valley. Dahil sa patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Magat dam, wala na masyadong natatanggap na irigas­yon ang mga pananim sa lalawigan. Kaya ganun na lang ang hinag­pis ng mga magsasaka, na wala na talagang mapagku­hanan ng tubig. Napakahirap labanan at asahan ang pa­nahon, lalo na sa panahon ng tagtuyot! Ang Isabela ay pa­ngatlo sa pinakamalaking lalawigan na taniman. Kaya kung mawawala ang ani nito, magkaka­roon ng pagkuku­lang ang bansa sa pagkain, at tataas pa ang bentahan ng mga makakarating sa palengke! Di magta­tagal, pati mga ibang lalawigan ay tatamaan na rin ng hagupit ng El Niño!

Ang lokal na gobyerno naman ng Isabela ay nanana­-      wagan sa lahat para tumulong, sa pamamagitan ng pag­papahiram o paggamit ng mga water pump, para ma­bom­bahan ng tubig ang mga taniman kung sakaling may maha-nap na tubig. Mas mahirap talaga ang tagtuyot. Mabuti pa kung bahagyang magbaha, napupunta sa ma­gandang paraan ang tubig. Sa pagtuyot, lahat nama­matay at nasasa­yang lang. Iyan ang mahirap sa mga bansang may dalawang klaseng kapanahunan lang. Kung hindi sobra ang init, sobra naman ang tubig. Di tulad ng ibang bansa, may apat na ka­ panahunan, kaya nakakahinga ang mga halaman at pananim.

Ang agrikultura ay mahalaga sa ating bansa. Mayaman tayo sa lupain para tamnan ng kakailanganin nating pag-kain para sa haba ng panahon. Huwag lang pasukan ng mga developer na gusto lang kumita. Marami rin tayong ilog na puwedeng pagkuhanan ng tubig (irigasyon) ang mga pananim. Kung paano madadala ang tubig sa mga tanim ang hindi pa masyadong maayos. Ito ang dapat pag-aralan. Napapaligiran tayo ng karagatan. Matagal nang iminu­mungkahi ang pagtanggal ng alat sa tubig-dagat para ma­gamit sa maraming bagay. Ito ang dapat pag-aralan nang husto. Umaapaw ang bansa sa likas na kayamanan. Ka­ilangan lang alamin kung paano maaani ito at magagamit sa mabuting paraan, kung saan ang mamamayan rin ang makikinabang, at hindi lang mga malalaking negosyo at negosyante. Pero katulad na lang ng lahat ukol sa Pilipinas, kailangan mawala muna ang kasuwapangan, katiwalian at korapsyon, bago may mang­yaring mabuti. Iyan pa rin ang pinakamalaking hadlang sa kaunlaran at pagiging moderno ng bansa. Kaya nga kulelat na tayo sa Asya sa lahat ng bagay, maliban na lang sa korapsyon. Nakalulungkot, dahil malaki ang poten­siyal para sa kaunlaran ng bansa.

ANG ISABELA

EL NI

ISABELA

IYAN

KAYA

LANG

SHY

TUBIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with