^

PSN Opinyon

Mitra disqualified dahil kay Mayor Hagedorn?

- Al G. Pedroche -

MAGALING na Mayor si Edward Hagedorn ng Puerto Princesa City. It was under his watch na naging highly urbanized ang lungsod na ngayo’y nakapagsasarili na at hiwalay sa Palawan.

Pero sino ang mag-aakala na ito pala ang aberya sa pangarap ng isang tao na maging gobernador ng Pala­wan? Ang tinutukoy ko ay si Cong. Abraham Kahlil B.Mitra na nasilat ang ambisyong maging gobernador ng Pala­wan. Ang rason, diniskuwalipika siya ng Commission on Elections. Napatunayan na hindi totoo ang inilagay niyang residential address nang maghain ng certificate of candidacy sa Comelec. Hangga ngayon kasi ay nakatira siya sa Sta. Monica sa Puerto Princesa na hindi na sakop ng Palawan.

Bumili si Mitra ng lupain sa bayan ng Aborlan para ma-justify ang pagtakbo sa Palawan. Nakatunog ang mga petitioners na sina Antonio Gonzales at Orlando Barbon Jr. Siniyasat nilang maigi kung totoong sa Aborlan nakatira si Mitra at ganito ang kinalabasan: Nag-apply si Mitra ng transfer of voter’s registration mula sa Puerto Princesa tungo sa bayan ng Aborlan noong Marso 20, 2009;

Noong June 5, 2009, bumili siya ng malawak na lupain at nag-apply ng permit para magpagawa ng bahay; Kasunod nito’y pinalitaw niya na doon na siya nakatira para ma-establish ang kanyang residency; Pero luma­labas na hindi niya natirhan ang nasabing address dahil hindi natapos ang construction hanggang sa ngayon. Mga trabahador lang pala ang pinatira doon. Nang inspek­syunin ang bahay, ni walang comfort room kaya mala-bong nakatira na doon ang Kongresista;

Ang pinakamatindi sa lahat ay ang affidavit mismo ng long time bodyguard ng   ka­nilang pamilya na si Ni-ca­nor Hernandez na nag­sabi na hindi naman sa Aborlan kundi sa Sta. Mo­nica, Puerto Princesa pa   rin nakatira si Mitra.

Dahilan sa mga mati­tinding ebidensyang ito ay walang magawa ang Co­melec kundi ibasura ang candidacy ni Mitra. Sayang!

ABORLAN

ABRAHAM KAHLIL B

ANTONIO GONZALES

EDWARD HAGEDORN

NOONG JUNE

ORLANDO BARBON JR. SINIYASAT

PALAWAN

PERO

PUERTO PRINCESA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with