^

PSN Opinyon

Panloloko, panggagantso at modus ng Francon International

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

PATOK ang negosyong food cart lalo na ang konsepto nito ay hango sa mga pagkaing tinitinda sa kalye o street foods na kilalang numero unong pamatid-gutom.

Makikita kung saan maraming tao ang mga food cart na ito lalo na sa mga pasilyo ng mall, istasyon ng tren, sa mga eskuwelahan at kung minsan sa mga kanto na rin ng bawat kalsada.

Kaya naman, naglalabasan ang iba’t ibang kumpanya ng food cart na nag-aalok din sa mga nagbabalak mag-ne­gosyo ng kanilang prangkisa. Eto ‘yung tinatawag na food cart franchising.

Para sa mga nagbabalak magnegosyo, mabibighani na pumasok sa food cart franchising lalo na kung maki­-ki­tang ang isang pagkain sa cart ay pinipilahan, pinag­ka-ka­guluhan at pinagkukumpol-kumpulan ng mga ma­mi-   mili.

Subalit may ilang sinasamantala ang kasikatan ng   food cart franchising dahil naglalabasan din ang mga bogus na kumpanyang nag-aalok kuno ng franchise na gusto mong food cart.

Ang pinakamatunog na kumpanya sa panloloko gamit ang konseptong food cart franchising, ang FRAN­CON INTERNATIONAL INCORPORATED.

Babala, hindi mo aakaling manggagantso ang kum­panyang ito dahil sa Antel Global Building sa Ortigas Pasig ang kanilang tanggapan. Kapag binisita mo naman ang kanilang website, aakalain mo talagang lehitimo ang FRANCON.

Kinakasangkapan nila ang kanilang website upang makasilo ng mga loloko-hing kliyente. Bawat bibisita kasi sa website ng FRAN­CON, mamamangha sa mga larawan ng food cart at pa­ngalan ng pro­duk­to na ma­aari mong bilhin.

Kapag naimbitahan ka naman na pumunta sa ka­nilang tanggapan, umpisa na ng lokohan. Papanga­kuan ka ng tungkol sa kani­lang mga serbisyo’t assistance kuno para magta­gum­­pay ang inyong negos­yong franchising.

Dahil maganda sa iyong pandinig ang kanilang mga pangako, kukumbinsihin   ka ng mga mokong na em­ple­yado ng FRANCON na mag­bigay ng sampung li­bong piso bilang downpay­ment.

Makakatulong daw ito para-maisarado ng FRAN­CON ang slot o pinakama­gan­dang location para sa iyong itatayong food cart.

Subalit lahat ng ito, kasi­nungalingan, panloloko, panggagantso at pangmo-modus. Ang lahat ng ito ay ayon na rin mismo sa kani­lang mga naging biktimang kliyente.

Ang ilan sa kanila, na­itayo nga ang food cart su­balit agad nagsara dahil pinabayaan at hindi tinu-pad ng FRANCON ang mga prosesong pinagsasabi ng kumpanya nung kinukum­binsi pa lamang silang ku­muha ng franchise.

Karamihan naman ng lu­ mapit sa BITAG, matapos makapagbayad ng buo sa FRANCON, kinalimutan na sila, walang naitayong ne­gosyo.

Kabi-kabila na ang si­nampang kaso sa korte ng mga biktima laban sa may-ari at mga empleyado ng FRANCON subalit naka­-pag­tataka, sa kabila nito at ng warrant of arrest na na-ka­amba sa kanila, tuluy-tuloy ang kanilang pama­mayag­pag.

Abangan sa susunod   na labas ng kolum na ito ang mga pangakong pang­ga­­gantso ng FRANCON at kung paano naman ito ki­non­tra ng mga biktima base sa ginawa sa kanila ng kum­panya…. 

ANTEL GLOBAL BUILDING

CART

FOOD

KAPAG

ORTIGAS PASIG

SHY

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with