'Bakit po nagkakaroon ng stroke at atake sa puso?'
Dear Dr. Elicaño, dalawang uncle ko na ang namatay dahil sa atake sa puso at stroke. Nang atakehin ang isa kong uncle sa puso ay hindi na siya umabot nang buhay sa ospital. Siya ay 50-anyos lang. Ang isa kong uncle (55 anyos) ay na-stroke naman at tumagal lang ng isang linggo ang buhay. Dito po sa aming probinsiya ay mahirap lang ang buhay kaya marami ang nagkakasakit na hindi alam kung ano ba talaga ang sakit nila. Kulang sila sa impormasyon ukol sa mga sakit. Sana po ay maipaliwanag n’yo ang tungkol sa stroke at heart attack. Bakit ba nagkakaroon nito? Salamat po.” —DANIEL ESQUIRRES, Sariaya, Quezon
Marami na akong natanggap na ganitong katanu- ngan. Alam mo bang ang atake sa puso at stroke ang isa sa mga nangungunang dahilan ng kamatayan ngayon? Itinuturong dahilan ng pagkakaroon ng mga sakit na ito ang estilo ng pamumuhay ngayon, pagkain ng mga ma mantika, kawalan ng exercise, stress, mga bisyo na katulad ng paninigarilyo at sobrang pag-inom ng alak.
Ang blood clot o ang pamumuo ng dugo ang dahilan kung bakit nagkakaroon ng atake sa puso at stroke. Kapag nagka roon ng bara ang mga ugat, nasisira ang circulation ng dugo.
Ang baradong ugat patungo sa utak ang nagiging dahi-lan ng stroke at disorders sa memory, speech, movement at paralysis. Ang baradong ugat patungo sa puso naman ay nagreresulta para magkaroon ng heart attack at dahilan ito para mahirapang huminga, maninikip ang dibdib, sasakit ang ulo at tataas ang presyon ng dugo. Ang mahinang circulation ng dugo ay dahilan din ng iba pang kumplikasyon ng sakit gaya ng diabetes, pagkabulag, kawalan ng gana sa pakikipagtalik, problema sa kidney at amputation.
Nasa panganib ng grabeng pamumuo ng dugo ang mga may diabetes, hypertension at may mataas na bad cholesterol levels.
Ipinapayo ang regular na pagpapa-checkup sa doctor para malaman ang lagay ng kalusugan. Malalaman ang mga ito sa series ng laboratory test na ipapayo ng mga doctor. Huwag babalewalain ang problema sa kalusugan.
- Latest
- Trending