Mabuhay sa lindol: 'Triangle of Life'
SUNDIN ang turo ng ekspertong si Doug Copp, hepe ng American Rescue Team International, na nangunguna sa pook ng disaster mula pa 1985. Gumapang na siya sa loob ng 875 gusali, tumulong sa sakuna sa 60 bansa, at dalawang taong United Nations adviser on disaster mitigation. Nu’ng 1996 nag-eksperimento siya sa 20 manekin: 10 ay ipinuwesto sa ilalim ng mesa o kama, at 10 sa gilid lang. “Pinabagsak” niya ang gusali. Lahat ng manekin sa ilalim ng kama o mesa ay nadurog, samantalang ‘yung 10 sa gilid ay buo bagamat may “sugat”. Napatunayan ang teyorya ni Copp na “Triangle of Life,” na kung sa gilid ka lang ng sopa o malaking bagay ay hindi ka madadaganan ng guho, dahil may trayanggulong espasyo kang pagsisilungan. Naipakitang mali ang lumang turo kapag lumindol na kumubli agad sa ilalim.
Kaya 10 payo ni Copp kapag lumindol:
(1) Halos lahat ng kumukubli sa ilalim ay namama- tay sa dagan.
(2) Natural sa pusa, aso at sanggol ang fetal position. Pumuwesto nang gan’un sa gilid ng, halimbawa, sopa nang may konting puwang.
(3) Pinaka-safe sa loob ng gusaling kahoy sa sakuna. Nababaluktot kasi ang kahoy at sumasabay sa sayaw ng lindol. Saka magaan at mahaba ang mga babagsak, di tulad ng, halimbawa, brick building.
(4) Kung nasa kama nang lumindol, gumulong lang sa sahig sa gilid. Dapat may karatulang gan’un sa bawat kuwarto sa hotel.
(5) Sikapin lumabas agad ng gusali kapag lumindol.
(6) Huwag na huwag pupuwesto sa ilalim ng hamba ng pintuan. Guguho ‘yon.
(7) Huwag magtago o magtagal sa hagdanan dahil sasayaw ‘yon.
(8) Lumapit sa outer walls ng gusali, mas mabuti kung sa labas.
(9) Lumabas ng sasakyan dahil maaring lamunin ‘yon ng lindol.
(10) Napansin ni Copp na nabubuhay sa lindol ang nagtatrabaho sa press na kumukubli sa “Triangle of Life” sa gilid ng tambak na diyaryo.
- Latest
- Trending