^

PSN Opinyon

Empleyadong manyak sibak sa trabaho

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

(Unang Bahagi)

KASO ito ni Fernan. Nag-umpisa siyang magtrabaho bilang medrep sa isang kompanya ng gamot, ang DPP magmula noong Setyembre 1, 1990. Umangat siya sa trabaho hanggang maging district manager ng Ilocos. Isa sa mga tauhan niya si Connie, isang medrep na nakatira sa Pangasinan.    

Tatlong beses pinagtangkaang halayin ni Fernan si Connie sa loob mismo ng apartment ng babae mag-    mula Marso 9, 11 at 18, 1994. Napilitan na rin si Connie na isum­ bong at ipaalam sa management ang pinagga­gaga-wa ni Fernan matapos ang pangatlong pagtatangka. Gumawa rin siya ng pormal na sulat-kamay na reklamo  na may petsang Marso 23, 1994 kung saan detalyadong isinulat ni Connie ang ginawa ni Fernan na pagtatangka sa kanyang pagkababae. Matapos nito, nagreklamo rin si Connie sa mga pulis at gumawa ng sulat sa pre­sidente ng unyon upang ipaalam ang mga ginawa ni Fernan sa kanya.

Umaksyon naman agad sa reklamo ni Connie ang management ng DPP sa pamamagitan ng Regional Sales Manager nitong si Bert. Pinadalhan si Fernan ng sulat at pina­pupunta sa pinaka opisina (head office) ng kompanya noong Marso 21, 1994. Sa opisina ay kinompronta ni Bert si Fernan kasama ng DPP Marketing and Sales Director tung­kol sa ginagawa niyang pananamantala     sa tauhan. Hiwalay na binigay ni Fernan at ni Connie ang kanilang panig sa kuwento. Pagkatapos ay pinag-leave sa trabaho si Fernan.

Pinilit ni Bert na kusa na lang magpaalam at umalis sa trabaho si Fernan ngunit nagmatigas ang huli. Hininto ng kompanya ang pagbibigay sa kanya ng suweldo at iba pang benepisyo. Hindi rin muna siya pinapupunta sa mga miting at iba pang ak­tibidades ng kompanya. Ang mga tauhan niya ay hindi na sa kanya pinag-uulat kundi sa isa pang district manager na ipinalit sa kanyang posisyon ng hindi niya nalalaman.

Sa paniniwalang sinus­pinde at parang tinanggal na rin siya sa trabaho kahit pa hindi alam ang basehan, nag­sampa ng reklamo si Fernan sa NLRC noong Abril 13, 1994 para sa illegal suspension, constructive dismissal, payment of salaries allowances, moral and exemplary damages. (Itutuloy)

ABRIL

BERT

CONNIE

FERNAN

MARKETING AND SALES DIRECTOR

MARSO

REGIONAL SALES MANAGER

SHY

UNANG BAHAGI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with