Fish be with you
DAHIL sa lawak ng coastline ng Pilipinas, dapat lang tayong maging fishing capital ng daigdig.
Sa mga nakalipas na panahon, tila hindi napagtuu-nan ng pansin ang pagpapasigla sa larangan ng pangingisda. Pero ngayon ay full blast ang development ng larangan ng fisheries. Halimbawa, malaking oportunidad ang hinaharap ng mga mangingisda sa aktibong programa ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) kaugnay sa pagpapatupad ng Accelerated Hunger-Mitigation Program (AHMP).
Ang BFAR ay kasalukuyang nagbibigay ng iba’t ibang tulong sa mga mangingisda tulad ng: Pamamahagi ng iba’t ibang uri ng maka-kalikasang gamit pangingis-da, dispersal ng fingerlings at seaweed seedlings, pag-tatalaga ng seaweed nurseries at tilapia hatcheries, pagtatayo ng mga “payao” (fish aggregating device), pamimigay ng post-harvest equipment, at iba pang gawain kaugnay ng aquaculture at pangingisda.
Simula Enero hanggang Hunyo ng 2009, mayroon nang 17,000 mangingisda at kooperatiba ang natulungan ng programa ng BFAR. Ito ay katumbas ng halos 14 milyon fingerlings ng tilapia, bangus at karpa. Sa panahong ito, nakapagpatayo rin ng 14 na fresh water fish cage at 14 backyard fish pond. Sa larangan naman ng gamit pangingisda, may naipamahagi nang 3,000 gill nets, 322 fish pots, 416 squid jigs at 886 hook and lines. Ang lahat ng ito ay nakatuon sa pagpapataas ng huli ng mga mangingisda upang makapagtustos sa kanilang araw-araw na pangangailangan kasama na ang pagkain
Ang mga programang ito ng BFAR ay kaugnay ng pagpapatupad ng AHMP na naglalayong matugunan ang problema ng gutom at kahirapan. Ito ay ipinapatupad ng National Nutrition Council (NNC) sa pamumuno ng Kalihim ng Department of Health bilang Chairman ng NNC Governing Board. Ang programa ay isinusulong alinsunod sa direktiba ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo upang makamit ang Millennium Development Goals ng pamahalaan.
- Latest
- Trending