^

PSN Opinyon

Pintura lang ang bago sa PAF aircraft!

DURIAN SHAKE -

“PINTURA lang kasi ang bago sa mga eroplano ng Air Force,” ang naging tugon ng isang military officer nang na­balitaan niyang bumagsak ang 35-year old Nomad aircraft noong Huwebes ng umaga sa Cotabato City na ikinasawi ng siyam na crew at pasahero nito.

Talagang naging disaster-in-waiting yong nangyari dahil nga kapansin-pansin na ang kalumaan ng nasabing Nomad noong sinakyan namin ito noong June last year galing Bongao, Tawi-Tawi patungong Zamboanga City. Ang Nomad lang ang naging pag-asa naming makabalik ng Zamboanga dahil nga fully-booked na ang SEAIR sa susunod na mga araw at aabot naman ng 18 hours ang biyahe ng barko galing Bongao.

Sa totoo lang para bang mag-disintegrate na yong loob ng Nomad na iyon dahil nga may mga bahagi nito na pinagtagpi-tagpi lang ng ordinary wires. Isipin n’yo na lang yong punit-punit na damit na tinatagpi-tagpi ng safety pin or perdeble. ‘Yon ang hitsura ng loob ng Nomad na yon. Bilib nga ako sa ingenuity ng ating mga piloto kasi by any aviation standard ta­lagang hindi na dapat pinalipad pa ang ill-fated Nomad ngu­nit nagawan nila ito ng paraan na magagamit pa ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Saludo ako sa galing ng ating mga piloto sa Air Force kasi kahit na ganun na kaluma ang Nomad pinagtiyagaan nila itong gamitin kahit na alam nilang buhay nila ang nakataya.

At tuwing nakikita ko ang ating mga Huey helicopters at maging ang kakaunting C-130 aircraft natin na naiwan, na puro vintage Vietnam pa nga, hindi ko mapigilang mag-wish-upon-a star na sana magkaroon man lang tayo ng ilan sa mga libu-libong modernong aircraft na nakatambak sa Davis-Monthan Air Force Base sa Tucson, Arizona.

Talagang tulo-laway ako sa nakamamanghang tanawin sa Davis-Monthan air force base na naging Aerospace Maintenance and Regeneration Center ng America at tinataguriang pina­kamalaking aircraft ‘boneyard’ sa buong mundo. Makikita doon sa Davis-Monthan ang libu-libong aircraft na para bang isang walang-hangganang dagat ng mga sasakyang pamhimpapawid.

Ang nasabing aircraft “boneyard” ay kung saan ang mga old military and other aircraft are stationed either to be stored indefinely, pulped, stripped or restored for service. Kahit na may kaunting problema lang at bago pa nga ay agad-agad dina­dala na ang isang eroplano sa Davis-Monthan ‘boneyard’.

Yong bumagsak na Nomad at maging ang mga Huey helicopters at C-130 aircraft ng Air Force ay matagal nang dapat tinapon sa isang aicraft “graveyard”.

Awang-awa ako sa bansa natin dahil nga vintage Vietnam lang ang ating mga aicraft at iilang piraso lang. Wala tayo ni katiting sa mga nakaparada sa Davis-Monthan air base sa gitna ng disyerto ng Tucson.

Ganun din ang naging pakiramdam ko noong dumaan kami ng mga pinsan ko sa Royal Australian Air Force Base sa suburb ng Richmond, mga 50 kilometers south of Sydney. Na sana nga maging moderno na rin ang ating Philippine Air Force.

At lalong tumindi yong awa ko sa ating Air Force noong sumakay nga kami sa nasabing Nomad noong nakaraang taon dahil noong pababa na kami sa PAF Edwin Andrews Air Base sa Zamboanga nakita ko ang mga nakahelerang modernong helicopter at ibang aircraft ng US forces. Hindi na nga kaila­ngang mag-spot-the-difference pa kasi lantaran at hayag-na-hayag ang pagkaiba ng mga aircraft ng Air Force natin na tinabi sa mga ginamit nga mga Kano.

Tiyak ang nasa isip ng ating pamahalaan, lalo na ng ating mga mambabatas, na dahil hindi naman sila nakiki­pagbakbakan sa himpapawid, di na kailangan ang modernization ng ating AFP, kasali na ang magkaroon ng mga bagong aircraft.

Hindi nga namamatay sa giyera ang ating mga magigiting na Air Force officials at personnel ngunit sila ay unti-unting nauubos dahil hinayaan silang gamitin ang mga lumang aircraft na nagdadala sa kanila sa tiyak na kapahamakan.

Tigilan na ang pagbilang natin ng kung ilang aircraft na ng Philippine Air Force ang bumagsak at ilan na ang namamatay.

At tama na ang panlilinlang na puwede pang gamitin ang mga Air Force aircraft natin tuwing bagong pintura ang mga ito dahil ang kinahinatnan ay tumatagos ang pintura sa panibagong lapida.

AIR

AIR FORCE

AIRCRAFT

ATING

DAVIS-MONTHAN

FORCE

LANG

NOMAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with