Kanya-kanyang diskarte
UNDER Article 145 of the Revised Penal Code, members of Congress enjoy “parliamentary immunity xxx while the Assembly (Congress) is in regular or special session xxx except in case such member has committed a crime punishable under this Code by a penalty higher than prision mayor.” Unfortunately for a certain future representative of Pampanga, the crimes of electoral fraud, obstruction of justice and plunder carry penalties way higher than prision mayor, but as a lawmaker, there are numerous ways for her to evade arrest for the duration of her term, and this includes horse trading for the con-firmation of the Secretary of Justice and Deputy Ombudsmen and quid pro quo arrangements during congressio-nal deliberations for the approval of the annual budget of the Justice Department.
Ngayon naman, si Bro. Mike Velarde ng El Shaddai ay gustong makisawsaw sa mga pangarap at diskarte ni Mrs. Arroyo. Magsusumite sa Comelec ang kanyang galamay ng nomination document upang si Brother Mike na mismo ang magiging Kongresista ng Buhay Party-List sa susunod na Kongreso. Tulad ng nabanggit ko na, hindi sakop sa parliamentary immunity ang karumal-dumal na pandarambong ni Bro. Mike ng pondo ng bayan doon sa “C5 at Taga” na racket ng kanyang business partner at manok na si Sen. Manny Villar. Kagaya ng kanyang best friend na si Future Congresswoman Gloria Arroyo, napakalinaw na ang pakay ni Future Congressman Mike Velarde ay sumuot ng nakasisilaw na damit at umalbo-roto sa mababang kapulungan upang makatakas sa kanyang mga pananagutan sa bansa.
Sa isang matinong bayan, dapat alam na ng mga tao kung sino ang dapat iboto, batay sa kanilang mga magagandang gawain. Dito sa Pilipinas, kailangan pang gumastos ang mga kandidato para sa advertising upang maparating sa mga tao ang gus-to nilang gawin.
Kung sana mayroon silang ginawa na tama, di ba kaya madali nang malalaman ng mga tao ang kanilang ginawa?
- Latest
- Trending