^

PSN Opinyon

Supreme sacrifices

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

TUWING nababakante ang posisyon ng Chief Justice (CJ) ng Korte Suprema, tradisyon nang contender ang limang pinaka-senior na Associate Justice. Tulad na lang ngayon sa napipintong pagretiro ni CJ Reynato Puno sa May 17, 2010, sina Justices Antonio Car­pio, Renato Corona, Con­chita Carpio-Morales, Pres­bitero Velasco at Antonio Eduardo Nachura ay isinama ng Judicial and Bar Council (JBC) sa pool ng pagpipi-lian para sa listahang ipadadala sa Palasyo.

Marami ang tutol sa pagpupumilit ni Gng. Arroyo na kanyang karapatan at obligasyon pa rin bilang Presidente ang magtalaga ng kapalit na CJ —kahit pa nakapili na ng bagong Presidente sa May 17. Mga dalubhasa ay nag­bigay na ng opinyon – may constitutional basis pabor at kontra, may angulo din ng duty to accept laban sa delikadeza to decline.

Anumang argumento ang manalo sa survey ng public opinion, ito’y isang isyung hindi maiiwanang nakabinbin dahil andyan ang Mataas na Hukuman upang humatol ng kung sinunod nga ba o nilabag ang Konstitusyon.

Kaya nakakabigla ang bitaw ni Associate Justice Conchita Carpio Morales na tinatanggap niya ang konsi­derasyon ng JBC basta’t ang susunod na Presidente ang siyang pipili. Hindi ba inunahan na niya ang pag­ pasiya sa isyu bago pa man ito umakyat sa Mataas na Hukuman? Paano pa ito makikilahok sa gagawing pan­dinig, at papa-ano ibibigay ang kanyang walang pagki-ling na paghatol, gayong deklarado na sa bansa ang kan­yang paniwala?

Ganito rin ang problema nina Justices Carpio at Corona, ang dalawang front runner. Sa ngayon ay wala pa sa kanilang sumusunod sa halimbawa nina Justices Velasco at Nachura na mag-back out sa JBC pool. Ibig sabihi’y interesado   nga silang maging kapalit ni CJ Puno at ang impli­kasyon ay tang­gap nilang may karapatan nga si Gng. Arroyo na mag-appoint kahit patapos na ang kan­yang term. Dapat siguro’y mag-isip na rin sila kung dapat din kayang mag-back out upang hindi ma­pula-    an ang kanilang indepen-dence at impartiality bilang mahistrado sa pag­dinig ng napakamaha­la­gang isyung ito.

Diskumpiyado tayo bas­­ta si Gng. Arroyo ang pasi­muno. Subalit rehimen ng batas ang dapat manaig, hindi rehimen ng tao. At    kri­tikal sa tagumpay ng rehi­men ng batas ang mga ma­histradong mananatiling impartial sa kahit anong sitwasyon, kahit pa ang sa­rili nilang interes   ang ka­palit.

Kapag nagawa nila ito, ito na ang pinaka-ka­hanga-hangang halim­bawa ng tu­nay na Supreme sac­rifice.

ANTONIO EDUARDO NACHURA

ASSOCIATE JUSTICE

ASSOCIATE JUSTICE CONCHITA CARPIO MORALES

CHIEF JUSTICE

GNG

HUKUMAN

JUDICIAL AND BAR COUNCIL

JUSTICES ANTONIO CAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with