^

PSN Opinyon

Drug raid sa Tinga ancestral home, ibinasura?

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

MARAMI ang mga nagulat matapos mapanood ‘yung drug raid na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Ususan, Taguig laban sa Tinga Brothers.

Sa nasabing raid, naipakita ang pag-aresto sa magka­patid na Tinga sa mismong ancestral house nila, sa BITAG Live sa UNTV nitong nagdaang Huwebes, a-21 ng Enero.

Dalawa’t kalahating taon na ang nakalipas ng una namin itong ipinalabas sa BITAG sa IBC 13, noong Hulyo 2007. 

Aktuwal na nakuhanan ng surveillance video ang pag­bebenta ng shabu ng isa sa mga Tinga sa mismong    PDEA undercover noong mga panahong iyon.

Sadya naming ipinalabas muli ang kontrobersiyal  na segment sa dahilang ibinasura na ni Taguig Regional Trial Court Judge Raul Bautista Villanueva ang kaso at pinalaya ang naarestong Tinga Brothers.

Pumalag ang PDEA at nag-isyu ito ng statement sa media na “hometown decision” daw ang ginawang   hak­bang ng hukuman, nitong nakaraang linggo.

Nagkaroon ng opisyal na pahayag ang PDEA sa    media, mariin nilang tinututulan ang nasabing kontrobersiyal na desisyon.

Linawin natin sa kolum na’to. Ayaw naming makula­yan at mahaluan ng pulitika ang pagpapalabas ng BITAG sa kontrobersiyal na segment.

Hindi kami nagagamit ninuman! Open file sa BITAG ang kasong ito, binigyan lang namin ng update ang publi-ko sa desisyon ng hukuman.

BITAG ang napiling exclusive media na sumama at nagdokumento sa operasyon ng PDEA noong mga pa-na­hong iyon. Kung kaya’t nasa pangangalaga namin     ang exclusive file na’to.

AKTUWAL

AYAW

DALAWA

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

ENERO

HULYO

TAGUIG REGIONAL TRIAL COURT JUDGE RAUL BAUTISTA VILLANUEVA

TINGA

TINGA BROTHERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with