^

PSN Opinyon

'Buntis tinarget'

- Tony Calvento -

NAMARIL NG Ibon, buntis ang tinamaan!

Ang bala kung gaano kabilis ang pagpanik nito pag-alis sa kanyang “barrel” doble ang bilis nito sa kanyang pagbaba dahil sa hila ng “gravity.”

Isang buntis ang tinamaan ng bala mula sa riple ng isang namamaril ng pipit ang istoryang tampok sa ating kolum ngayong araw na ito.

Siya si Maria Luz Sombero, 37 taong gulang ng Antipolo City. Tubong Bacolod City si Maria Luz alyas “Gamay”.

Taong milenyo (2000) ng lumuwas si Gamay sa Maynila upang mamasukan bilang kasambahay, taga-alaga ng bata sa Muntinlupa City.

Sa lugar na ito niya nakilala ang kanyang asawang si Ely ng minsan siyang dumalo sa isang ‘fiesta’.

2001 ng magsama si Gamay at Ely. Tumira sila sa bayan ng Antipolo sa Barangay Muntindilaw.

Naging mainit ang pagsasama ng mag-asawa. Taun-taong buntis itong si Gamay. Hanggang umabot sa tatlo ang kanilang anak.

Hindi naging madali para kina Gamay at Ely ang sustentuhan ang kanilang lumalaking pamilya. Napagde­sisyunan nilang huwag na munang mag-anak.

Tinuon ni Gary ang panahon sa pagko-construction. Tumanggap naman ng labada at plantsahin si Gamay sa mga kapitbahay.

Marso 2009, makalipas ang limang taon, sa ika-apat na pagkakataon nabuntis ulit si Gamay. Alam nilang mag-asawa na hindi magiging madali para sa kanilang tustusan ang panga­nga­ilangan ng isisilang na sanggol ni Gamay kaya’t masusing pag­hahanda ang kanilang ginawa.

Tinaniman ni Gamay at Ely ng mga gulay ang kanilang ba­kanteng lote. Ito ang pinagkakaabalahang gawin ni Gamay... ang mag­tanim ng mga buto.

“Umaga palang nandun na ko sa bakuran namin, nagtatanim na ako ng buto ng mga talong, okra at talbos,” kwento ni Gamay.

Dito kumukuha ng pagkakanin ang mag-asawa. Ang iba namang gulay na maganda ang tubo’y binebenta nila sa kapitbahay.

Hulyo 5, 2009 bandang alas otso ng umaga habang nagtatanim si Gamay nakarinig siya ng isang malakas na putok. Naramdaman niyang may bagay na tumama sa kanyang balagat o “collarbone.”

Bumagsak siya sa kanyang kinatatayuan sabay biglang hawak sa kanyang balikat, Nakita nalang niya ang dugong sumisirit. Narinig nalang niya ang kapitbahay na si Eulogio de Jesus na nagsisigaw ng, “May tinamaang buntis! Tulong!”.

Natulala si Gamay at umikot ang kanyang paningin. Nakita niya si Ely papalapit.

“Niyakap ako ng asawa ko. Naramdaman ko na lang na tumitigas ang tiyan ko. Naisip ko agad ang bata,” kwento ni Gamay.

Lumapit sina Leynaldo Santos, bisita ng kapitbahay niyang si Noel Hararin.

Sinabi umano ni Eugenio na si Leynaldo o “Ley” ang nakabaril kay Gamay. Manghuhuli sana ito ng ibon ng lumusot sa kawayan ang bala papunta sa kinatatayuan ni Gamay.

Aminado itong si Ley na siya ang nakabaril kay Gamay kaya’t sumama siya papunta sa Manila East Hospital, Taytay.

Bago pa dalhin sa hospital si Gamay, dumiretso sila sa Barangay. Pinaalam nila ang nangyari sa kagawad na si Sixto Subrason.

Kinailangan turukan si Gamay ng ‘anti-tetanus’ bago pa kumalat ang impeksyon sa kanyang dugo.

“Maaring ikamatay ng bata ang tama ng bala, Gusto ng doctor na tanggalin ito subalit malaki ang magagastos sa operasyon,” pahayag ni Gamay.

Nilipat si Gamay sa Mandaluyong Hospital, malaki kasing ‘discount’ ang makukuha ni Ley dito dahil dito siya nagtatrabaho bilang isang ‘traffic enforcer’ subalit walang espesyalistang maaring magtanggal ng bala ng mga panahong iyon kaya’t nilipat si Gamay sa Philippine General Hospital (PGH).

Hunyo 5-6, 2009 na-confine si Gamay. Napansin ng mga doktor na tumigil ang paggalaw ng bata sa tiyan ni Gamay. Tumigas din ang kanyang tiyan. Ikinabahala ng doktor ang pagbabagong nangyari sa sanggol.

Nagpasya ang isang OBY-GYN na si Dr. Natalie Faye na pansamatalang iwan ang bala sa kanyang balagat hanggang tatlong buwan matapos nitong manganak. Nangako si Ley na sasagutin lahat ng gastusin sa ospital ni Gamay hanggang siya’y makapanganak.

Hulyo 15, 2009, bigla nalang namanhid ang buong katawan ni Gamay. Kasabay nito, naramdaman niyang tumitigas ang kanyang tiyan. Natakot silang mag-asawa kaya’t sinugod agad ni Ely sa ospital si Gamay. Niresitahan si Gamay ng ‘antibiotics.” Wala silang pambili ng gamot, Pinuntahan niya si Ley para bumili ng kakailanganing gamot.

Pinadala umano ni Ley ang ‘paracetamol, biogesic at ampycillin.”

Pilit umano itong pinapainom ni Ley kay Gamay. Ito raw ang riseta galing sa PGH. Hindi basta nagtiwala si Gamay dito kay Ley kaya’t pumunta siya sa PGH at dinala ang mga gamot upang ipasuri kung pwede itong inumin ng buntis.

“Pinagalitan ako ng doktor, pabaya daw ako’t hindi basta basta ang pag-inom ng gamot. Makakasama raw ito sa bata... buti nalang di ko ininom ang gamot,” pahayag ni Gamay.

Kinumpronta niya si Ley subalit nabigo siyang makausap ito. Ipinatawag si Ley ng barangay ngunit hindi siya dumating.

Nangako si Ley na magbibigay ng Php1,000 na sustento kada buwan pambili ng gamot subalit makalipas ang isang buwan hindi na umano ito nagpakita.

Nobyembre 10 nadesisyunan ni Gamay na magsampa ng kasong ‘Reckless Imprudence Resulting to Serious Physical Injuries’ sa Prosecutor’s Office, ng Antipolo.

Nakapanganak na si Gamay subalit wala siyang natanggap na balita tungkol sa kaso. Nagmalasakit si Eulogio, pumunta siya sa munisipyo. Nabigla nalang sila ng malamang na-dismissed na ang kasong kanilang sinampa dahil na-file ang kaso 60 days matapos ang ‘prescribe period’.

“Tama po ba iyon? Hindi ko po alam kung anong dapat gawin kaya’t nagsadya na ko sa inyong tanggapan,” tanong ni Gamay.

Inere namin sa aming programa sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ 882khz (tuwing 3:00ng hapon) ang istorya ni Gamay.

Pinaliwanag namin kay Gamay na may prescription period talaga ang pagsampa ng kaso subalit hindi nangangahulugang wala na siyang habol sa taong ito.

TINAWAGAN namin ang tanggapan ni Mayor Benhur Abalos ng Mandaluyong City at nangako ito na pananagutin niya ang tauhan nila sa munisipyo. Ang pagpirma nitong si Leynaldo Santos sa isang kasunduan ay nangangahulugan na tinatanggap niya ang responsiblidad sa mga pangyayari.

Kaya Ley bahala na sa iyo ang magiting na mayor ng Manda­lu­yong na panagutin ka. Siya naman ang bilugin mo ang ulo at sigu­rado kong may kalalagyan ka sa batang alkaldeng ito! (KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)

Para sa inyong reaksyon at sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 at ang landline ay 6387285. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City. Bukas din ang aming tanggapan tuwing Sabado mula 8:30AM-12NN. Maari din kayong tumawag sa aming 24/7 hotline sa numerong 7104038.

GAMAY

KANYANG

LEY

LEYNALDO SANTOS

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with