^

PSN Opinyon

EDITORYAL - 'Natulog sa pansitan'

-

TAMA ang ginawa ni Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Jesus Verzosa na pagta­tanggal sa puwesto ng 37 Quezon City policemen kaugnay sa kaso ni Jason Aguilar Ivler. Nagpabaya sa puwesto ang 37 pulis at ang pag-aalis sa mga ito sa kanilang puwesto ang agad ipinataw ni Verzoza. Wasto lamang ang hakbang na ito. Kung hindi ga­nito ang gagawin sa mga alagad ng batas na naata­sang magmanman sa bahay ng pinaghihinalaang killer, ano pa ang aasahan sa kanila ng karaniwang mamamayan. Kung nagawa nilang magwalamba­hala sa malaki at kontrobersiyal na kaso ni Ivler, ano pa sa ibang maliliit na kaso na ang biktima ay karaniwang mamamayan. Ang agarang aksiyon mula sa PNP chief ay ikinalulugod at maghihintay pa ang taumbayan sa kanyang mga kilos.

“Natulog sa pansitan” ang 37 pulis QC kaya naman, wala isa man sa kanila ang nakatunog sa biglaang pagsalakay ng National Bureau of Investigation sa bahay ni Marlene Aguilar-Pollard sa Blue Ridge Quezon City noong Lunes ng umaga. Si Mar­ lene ay ina ni Jason, suspek sa pagpatay sa anak ng Malacañang official dahil sa away-trapiko noong Nobyembre 18, 2009 sa Santolan Rd. Quezon City.

Sa raid sa bahay ni Marlene, dalawang NBI    agents ang nasugatan nang lumaban si Jason. Nahuli si Jason at ngayon ay sasampahan nang katakut-takot na kaso. Pati ang ina ay kinasuhan ng obstruction of justice at pansamantalang naka­laya maka­raang magpiyansa.

Kung ginawa lamang ng 37 pulis-QC ang kanilang trabaho, baka noon pang nakaraang taon natiklo si Ivler. Pero dahil “natulog sa pansitan” wala silang nagawa. Nagwalambahala. Nagpabaya. Tungkulin nilang bantayan ng 24-oras ang bahay na pinagsu­suspetsahang pinagtataguan ni Jason pero hindi nila ginawa. Walang silbi ang intellience unit ng QC na hindi naamoy na na nagtatago sa bahay si Jason at may hawak na matataas na kalibre ng armas. Marami ring bala.

Tanong: Hindi kaya kasabwat ang 37 kaya mara­ming baril at bala si Jason?

vuukle comment

BLUE RIDGE QUEZON CITY

IVLER

JASON

JASON AGUILAR IVLER

JESUS VERZOSA

MARLENE AGUILAR-POLLARD

NAGPABAYA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with