^

PSN Opinyon

Dapat ibang tao naman ang mamuno sa Maynila

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

SA biglang tingin, mukhang nanalo si Manila Mayor Alfredo Lim nang magkaroon siya ng Temporary Restraining Order (TRO) ukol sa reshuffle ng mga opisyales ng Manila Police District (MPD). Subalit kung rerebisahing maigi, pabor ke Lim ang TRO subalit hindi win-win situation ito para sa mga opisyales na sangkot sa reshuffle. Kasi nga, matapos ang ibinigay na mga araw sa TRO, maaaring isagawa na ang reshuffle at wala nang magawa diyan si Lim. At kapag nawala naman sa poder si Lim, tiyak kawawa ang mga opisyales ng pulis na sa ngayon ay nagpapalakpakan dahil sa pansaman-tala nilang tagumpay. Kasi hindi na sila maidepensa ni Lim kapag wala na ito sa puwesto. ‘Ika nga, tiyak outside Metro Manila ang mga pulis na alipores ni Lim.

Sa tingin kasi ni Lim naisahan siya ng reshuffle na isinagawa ni NCRPO chief Dir. Roberto Rosales na kinasangkutan ng 14 MPD officials. Kung ang nasa isipan ni Rosales ay para mapa­ganda at non-partisan ang mga pulis sa darating na elections, iba naman ang nasa isip ni Lim. Kapwa lumutang sina Lim at Rosales sa hearing ng TRO. Nagbatian naman sila, subalit ayon sa mga suki ko, hindi mainit ang kanilang pagkamayan. Kaya napawalangbisa muna ang reshuffle ng MPD officials dahil sa TRO. Panalo si Lim sa Round 1 ng laban. At habang nagbubunyi si Lim sa pansamantalang TRO, labis naman ang pagkapoot ng Manileños dahil sa kawalan ng pagkilos ng kapulisan para sawatain ang mga kriminal na naglilipana sa lansangan. Paano nga naman mga suki, nagsulputang parang kabute ang mga holdaper, snatchers at salisi gang sa lungsod ni Lim dahil sa urong sulong na balasahan sa MPD.

Kahit ano pa ang porma ni Lim para idepensa ang mga pulis sa MPD, alam naman ng kampo niya na talo sya sa hanay ng mga pulis sa darating na May elections. Sa totoo lang, demoralisado ang MPD rank-and-file sa ngayon dahil sa pakikialam ni Lim sa reshuffle ni Rosales. Anang mga kausap ko sa MPD, dapat pinabayaan na lang ni Lim ang reshuffle total hindi naman itinapon sa labas ng Metro Manila ang mga alipores niya. Sa katunayan, naging mabait pa si Rosales dahil nirigodon lang sila at sa teritoryo pa mismo ni Mayor Lim sila ibinato. ‘Ika nga, malayo sa suspetsa ni Lim na iaabandona siya ng MPD officials na sangkot sa reshuffle. Hindi lang itong reshuffle ang nagpagulo ng isipan ng mga pulis sa MPD kundi maging ang desisyon ng liderato ng PNP na arestuhin sila sa paglabag ng gun ban ng Comelec kapag off-duty na sila. Siyempre, me ilang pulis tayo na me kagalit sa pagpapatupad nila ng batas at paano na lang nila idepensa ang sarili nila sa oras na off-duty na sila? Hindi naman puwede na mag-uniporme pa sila habang pauwi sa bahay nila, di ba mga suki? Hay nakuuuu! Dapat magkaroon ng exemption itong ating mga pulis para naman makapagdala sila ng mga baril nila kapag off duty na.

Habang kinakain ni dating PNP chief ret. Gen. Avelino Razon ang lamang ni Lim sa mga survey eh mukhang hindi makatulog ang mga alipores niya sa MPD, lalo na ‘yung nangangarap na maging MPD director. Kung sabagay, tumataas ang rating ni Razon na ang pagbabago sa Maynila ang isinisigaw. Kung sabagay, tama na ang alitan nina Lim at dating Mayor Lito Atienza. Dapat maiba naman ang mamuno sa Maynila, para matigil na ang gantihan at patutsadahan na wala namang patutunguhang maidulot na maganda sa siyudad. Paurong na kasi ang takbo ng Maynila kaya nasapa­wan na ito ng milya-milyang pag-unlad ng mga karatig lungsod! Si Razon kaya ang kasagutan?

AVELINO RAZON

LIM

MAYNILA

METRO MANILA

MPD

NAMAN

PULIS

RESHUFFLE

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with