^

PSN Opinyon

Senator Miriam sa Monday

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

HINDI biro ang gagawing privilege speech ni Senator Miriam Defensor Santiago sa Monday porke target nito si DILG Ronnie Puno na kanyang pinag-iinitan.

Naku ha!

Tiyak marami na naman maaksayang time regarding this matter at sigurado papakinggan ng madlang people sa Phi­lip­pines my Philippines ang mga sasabihin ni Miriam kontra kay Ronnie.

Sabi nga, bateryahan blues!

Walang kokontra kay Miriam porke bilang mambabatas karapatan niya ang magsalita sa plenary na dapat kilalanin at igalang.

Ang problema nga lang todits sumisikat ang House of Senate and House of Congress na pugad ng mga unggoy este mali benggador pala at sinasabing ito ang lugar para mawasak sa madlang people ang magustuhin nilang atakihin.

Ika nga, alaws patawad!

 Sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO, at mga makakabasa nito sina Miriam na lang at mga katulad niyang mambabatas ang makakasagot nito.

Three weeks pa ang natitirang “session days” ng Kon­greso at Senado, epektibong siyam na araw lang lahat ito dahil tatlong araw lang naman bawat linggo ang trabaho ng ating mga magagaling na mambabatas.

Dapat bang sa pagbatikos na lang sa kanyang itinuturing na kaaway ubusin ni Sen. Miriam ang nalalabing panahon ng Senado?

Ano sa palagay ninyo madlang people of the Republic of the Philippines my Philippines?

Tiyak ang pagtili ni Miriam sa Monday ay may merit at siempre laman kapag nagbulgar ito ng mga detail kontra Ronnie kaya lang ang problema makakatulong ba ito para maiibsan ang mangkukulam este mali kumakalam pala na sikmura at kawalang trabaho ng maraming madlang Pinoy?

Alam naman ng lahat na sapul ng masilat ni FVR si Sen. Miriam noong 1992 presidential elections, itong si Ronnie ang kanyang sinisisid este sisi pala dahil naniniwala ang Senador si Puno ang nagputol este mali “nagmaniobra” ng panalo ni tabako este Fidel V. Ramos pala.

That was 18 years ago madlang public kung iisipin ng husto kasama ang election ngayong Mayo at apat na presidential halalan na rin ang ating nasaksihan. Tama ba?

Mas higit bang importante para sa ating madlang Pinoy na hanggang sa huling sandali ng 14th Congress ay maipakita ni Miriam na hindi siya marunong makalimot at magpatawad?

Ano sa palagay ninyo?

Dapat siguro medyo mag-handa este mali dahan-dahan pala siya porke kandidato ulit siya ngayong halalan at hindi malayong makasira ang ganitong imahe sa kanyang kandidatura.

In short, do it at your own risk, Madam.

Marami pang importanteng mga panukala ang naka­bimbin ngayon sa Kongreso.

Ilan lang dito ay ‘yung mga “revenue enhancement measures” na ayon sa government of the Republic of the Philippines my Philippines ay lubhang kailangan upang mapasigla pa ang takbo ng ating economy .

Sabi nga, sangkatutak na suliranin!

Andyan ang mga panukala para sa reporma sa ating Armed Forces of the Philippines my Philippines at pag-meryenda este amyenda pala sa gun control law para naman epektibong matugunan ang ating problem sa peace and order.

Sabi nga, kapayapaan at kagaspangan este mali kata­himikan pala.

Uulitin ng mga kuwago ng ORA MISMO, karapatan ni Miriam na tumayo sa plinaryo ng Senado at bumatikos nang sino man.

Tama ba?

‘Hindi ba pagsasayang lang ito ng oras?’ tanong ng ku­wagong madalas bakbakan.

‘Paano kung tama si Miriam sa mga sinasabi nito ano ka!’ sagot ng kuwagong may kampana sa utak.

‘Basta ang importante ay malaman natin kung anong bago sa itatalak ni Miriam sa Monday dahil makikinig ang madlang Pinoy todits.’

‘Ano ang mapupulot natin lesson sa talakan blues sa Monday?’

‘Kamote ka pala makinig ka!’

ANO

ESTE

LANG

MIRIAM

PALA

PINOY

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

RONNIE

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with