Recipe for disaster
“PABOR pa nga sa mga titser kung sa Marso umpisa-han ang training nila sa paggamit ng Precinct Count Optical Scan (PCOS) machines.” Ito ang walang takot na deklarasyon ni Comelec Chairman Jose Melo nang kuwestiyunin ng Teachers Dignity Coalition ang atrasadong training timetable para sa eleksyon.
Para kay Melo, kung umpisahan na ngayon ang training ng mga gurong Board of Election Inspectors (BEI), baka makalimutan pa pagdating ng Mayo. Mabigat din ang ituturo – ang pag-operate ng mga delikadong ma-kina at kung papaano i-orient ang mga botante sa paggamit ng mahabang multiple choice ballots.
Ang usaping teacher training ay isa lamang sa hu-mahabang listahan ng posibleng problema. Atrasado ang delivery ng makina, kulang ang voters education efforts, kulang ang cell sites para sa transmission ng resulta, atbp. Hindi pa kasama rito ang posibleng mechanical failure ng PCOS machines. At kung papaano ang gagawin sa substitute candidates kapag nakaprint na ang balota. Maging ang Comelec ay nagpapahiwatig na maaring hilaw na automation na may kasamang mano-mano ang kalabasan.
Batay sa Election Calendar na isinumite ng Comelec sa Kongreso, halos 100 days na ang delay sa paghahanda. Sa mga forum kung saan may hands on demo para sa audience, karaniwan na ang 3 out of 10 lamang ang lumulusot na balota sa PCOS Machines!
Masisisi ba ang mga kritiko kung mapraning sa kakayanang ipatupad ang full automation? Maging si GIBO Teodoro ay nag-aalala. Baka raw pagdudahan kapag siya ang nanalo kung iatras ng Comelec sa huling sandali ang automation at ibalik sa mano-mano. Ang takot ng iba ay baka magka EDSA-4 or, knock on wood, baka hindi na bumitiw sa kapangyarihan si Gng. Arroyo.
Habang papalapit ang Mayo, lalo lang lalala ang nerbiyos ng taumbayan kung walang seguridad na matutuloy nga ang automation. Kahapon ay nagmalaki ang Comelec na 8 out 10 ang kanilang readiness score. Sana nga’y magdilang anghel. Kung ako ang tatanungin, ang basa ko sa status ng automation sa ngayon? RECIPE for DISASTER.
Comelec Automation Grade: 10 – 8 = 2
- Latest
- Trending