^

PSN Opinyon

Rafael Palma 147

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

NAG-IIMBITA ang mga bagong halal na official ng Rafael Palma Lodge 147 sa kanilang magarbong installation sa Enero 16, 2010 sa ganap na alas - 2:00 ng hapon, dyan sa may Capitol Masonic Temple, sa Matalino St., Quezon City.

 Lahat ng mga Master Masons kasama ang kanilang mga kamag-anak, kaibigan bata man o matanda, may ngipin o wala, pogi o ngetpa, may pera o wala ay inaanyayahan pumunta sa kanilang public installation.

 Sabi nga, huwag kalimutan ang araw na ito!

 The newly-election este mali elected officers ng Rafael Palma Lodge 147 year 2010-2011 na uupo sa kanilang ba­gong kaharian ay sina incoming Worshipful Master Geoffrey Mendoza, pinalitan si out-going WB Jerry Borja, SW Hilario Farcon Jr., JW Rey Pangilinan, Secretary VW Guillermo Lazaro Jr., Treasurer Elias Abante Jr., Auditor Agapito Francisco, Harmony Officer Rommel Corral, Senior Warden pi­nag-iisipan pa...Jose ‘Don Facundo’ Chu, ang pilantropo ng Malabon, Tyler of the Lodge Zito Ochoa.

 Ang pangit este mali panauhin pandangal at guest speaker ay si Bro. Urbano Caasi, ang panggulo este pangulo pala at owner ng Bolinao Security Agency, VW Maui Lazaro Jr., installing officer, VW Arnold Garcia, Master of Ceremony at Bro. Lean Reyes, assistant Master of Ceremony.

 Dalawang naglalakihan lechon manok este baka pala at katakut-takot na tsibugan ang nag-aabang sa mga darating na buwisitor este visitors.

 Kaya ang lahat ng pupunta sa nasabing loya ay pina­aalahanan na magdala ng plastic bag para sa mga sobrang pagkain.

 Sabi nga, balot!

Kuyang Michael Kho, 38

 MAAGANG kinuha ni Lord si Kuyang Michael Kho, isang PNP Chief Inspector na tinigok ng mga hired killers the other day dyan sa may far view este Fairview pala sa Kyusi

 Inupakan ng pa-traidor si Kuyang Michael ng mga gunmen habang nakatalikod ito at nakikipag-usap sa labas ng isang resto sa nasabing place.

Ikinalulungkot at nakikiramay ng mga kuwago ng ORA MISMO, at lahat ng Master Masons sa Philippines my Philippines sa family at mahal sa buhay dahil sa sinapit ni Kuyang.

Sabi nga, together Brethren...tok, tok, tok.

 Ika nga, condolence!

 Nakalagak ang labi ni Kuyang Michael sa Arlington funeral dyan sa may Araneta Ave., QC.

 Ang hiling lamang ng pamilya at mga Brethren na ma­ huli at maparusahan ang utak at mga tumigok kay Kuyang Michael.

 Abangan.

Taasan blues ang presyo sa 2010

 HINDI biro ang presyo sa pagpasok ng year 2010 dahil magtataasan ito tiyak kasi ang MERALCO ay binigyan ng basbas na magpatong ng singil sa mga consumer.

 Sabi nga, huhuhuhu!

 Hindi lang MERALCO ang magtataas ng singil siempre kasama ang h2o todits.

 Kaya naman panibagong pahirap ito sa madlang pinoy na maapektuhan ng singilan blues.

 Ang maganda lamang ay medyo makakabawi kahit kaunti ang madlang people sa taas presyo na mangyayari dahil malapit ang eleksyon at umaatikabong kampana este mali kampanyahan na ito medyo may pitsa ipapakalat ang mga kandidato.

 Ang masama lamang ay ang mga makukunat pa sa inuyat na candidates baka kasi dehins mag-gaybi. Hehehe!

 Sana sa papasok na 2010 ay maging lucky ang madlang pinoy at huwag mahirapan tulad sa mga nangyaring indulto ngayon taon.

 Sabi nga, baha, pagsabog ng Mayon, lumubog na mga barko, Ampatuan, Maguindanao massacre, sunog echetera.

 Ika nga, magdasal tayo sa Lord na huwag ng i-reply ang mga sinasabi ng mga kuwago ng ORA MISMO.

 Para sa madlang pinoy Happy New Year to all!!!

ARANETA AVE

ARNOLD GARCIA

KUYANG MICHAEL

KUYANG MICHAEL KHO

MASTER MASONS

MASTER OF CEREMONY

RAFAEL PALMA LODGE

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with