^

PSN Opinyon

Maanomalyang Kidney Center

SAPOL - Jarius Bondoc -

BINABATIKOS ng mga taga-National Kidney and Transplant Institute ang anomalya ng pamunuan. Bumili ito ng P750-milyong specialized medical equipment — na wala man lang public bidding. Pinag-usapan lang ng NKTI management at ng Dutch supplier ang presyo ng kagamitan. Ilalagay ito sa ipinatatayo ng Dutch government na building na pambabae. Inaapura ang trabaho para ipabuksan kay President Arroyo sa Marso.

Sagot ni NKTI director Dr. Enrique T. Ona, nu’ng una ay tutustusan ng Dutch aid ang 35% ng gastos, sa pama­magitan ng Philips Medical, at uutangin ng NKTI ang 65%. Aprubado umano ng NEDA ang proyekto. Pero na­antala ang NKTI at nagpalit ng gobyerno ang Netherlands, kaya umatras ito nu’ng Hulyo. Itinuloy na lang daw ng NKTI ang nasimulan nang gusali, na gagawin nang “world class diagnostic center.” Pero hindi pa rin maipali­wanag ni Ona kung bakit walang public bidding.

Dahil walang imbestigasyon, itinuloy ng NKTI ang isa pang scam. Nag-public bidding nga para sa five-year lease ng hemodialysis machines, pero niluto naman. Pina­panalo ang mas mahal na bidder. Inetsa-puwera ang mas mura sa pamamagitan ng kapritsosong technical items.

Enero nang ipataw ang NKTI ang maximum price na P1,750 kada hemodialysis treatment, sa tantiyang 49,488 pasyente o P86,604,000 kada taon, at P433,020,000 sa limang taon. Isang bidder lang sa tatlo ang pumasa sa technical terms, kompanyang German. Nagdeklara ang bids and awards committee ng failure of bidding.

Nag-bidding muli nu’ng Nobyembre. Nagpresyo ang German ng P1,549.50 kada treatment laban sa P1,638 ng isang datihang kalaban na na-technical knock­out nu’ng Enero (umatras ang pangatlo). Lumalabas na mas mura ang German nang P4,379,688 kada taon o P21,898,440 sa loob ng limang taon. Pero dinisku­walipika ang German dahil ang isang makina umano nito, ‘yung para sa mata­tanda, ay mabagal kuno. Pero hindi naman naging isyu ‘yun nu’ng Enero, nang ipasa ang German sa technical terms.

APRUBADO

BUMILI

DR. ENRIQUE T

ENERO

NATIONAL KIDNEY AND TRANSPLANT INSTITUTE

NKTI

PERO

PHILIPS MEDICAL

PRESIDENT ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with