^

PSN Opinyon

'Hindi makarinig ang pamangkin ko'

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

Dear Dr. Elicaño, ang aking pamangkin ay dalawang taong gulang na subalit nagtataka po kami kung bakit hindi siya nagre-react sa tunog at hindi rin siya nag­sasalita. Sinabi ko po sa aking kapatid na baka may de­perensiya sa pandinig ang aking pamangkin kaya dapat siyang patingnan sa espesyalista. Maaari mo bang ipaliwanag kung bakit may mga ganitong kaso ng pag­kabingi at anu-ano ang mga palatandaan sa bata.  —MYRA ng Sto. Tomas, Batangas.

Salamat, Myra.

Maaaring congenital deafness ang kaso ng pamangkin mo at dapat agad siyang mapatingnan sa isang doctor na espesyalista sa ganito klase ng sakit.

May dalawang uri ang pagkabingi at una na nga ang congenital deafness o bingi na mula sa pagsilang at ang ikalawa ay ang conductive deafness na isang abnorma­liodad sa outer o middle ear na humaharang sa pagpasok ng tunog sa dakong dulo ng taynga. Ang conductive deafness ay karaniwang nangyayari sa mga taong nasa         50-anyos pataas. Ang conductive deafness ay maaaring big­laan o dahan-dahan ang pagkabingi.

Ang congenital deafness ay mapapansin kapag ang bata ay hindi nagre-response sa malakas na tunog halim­bawa ay kapag sumasapit ang Bagong Taon na kahit kaliwa’t kanan ang putukan ay wala siyang reaksiyon. At sintomas din ng congenital deafness ang hindi pagsasalita gayung siya ay nasa tamang edad na. Sa ganitong kaso, dapat nang lagyan ng hearing aid ang bata at dapat ding isasailalim siya sa special training para makapagsalita. Kailangan ang pagsubaybay ng magulang sa kanilang anak na may ganitong problema.

Isa sa sinasabing dahilan kaya nagkakaroon ng congenital deafness ay kapag ang ina ng bata ay nagkaroon ng German measles sa    pa­nahon na ipinagbubun- tis ang bata. Dahilan din umano ang pagkakaroon ng syphilis ng ina. Ga­yun­man, hindi pa napatitiba-yan ang ganitong mga da­hilan.

Ang conductive deafness sa isang banda ay dahil naman sa Otitis media. Dahilan din ang mas­yadong malakas na putok (gunfire explosions) at ang mga ingay sa lugar na pi­nagtatrabahuhan.

BAGONG TAON

BATANGAS

DAHILAN

DEAFNESS

DR. ELICA

ISA

KAILANGAN

MAAARI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with