^

PSN Opinyon

Siyempre, babae!

K KA LANG? - Korina Sanchez -

BABAING huwes na ang hahawak ng kaso laban sa mga Ampatuan. Ito ang resulta ng bunutan na ginanap noong Huwebes nang tumanggi si Judge Luisito Cortez na dinggin ang kaso dahil sa takot, at takot para sa kanyang pamilya. Tinanggap kaagad ni Judge Jocelyn Reyes ang kanyang tungkulin, walang tanung-tanong, walang tanggi-tanggi. Inayawan pa ang mga security na ibinigay sa kanya ng hukuman, at sinabi na tatawagan na lang daw sila kapag kailangan niya! Hindi rin humarap sa media dahil gusto pa munang basahin ang kaso, bago magbigay ng pahayag ukol sa pagbigay sa kanya ng maselan na tungkulin na ito. Iba na talaga ang kababaihan ngayon!

Sa ngayon, kaliwa’t kanan siguro ang paliwanag ni Judge Cortez kung bakit siya tumanggi. Alam naman ng lahat kung bakit. Natakot dahil Ampatuan ang lilitisin. Natakot dahil kilalang warlord ang mga Ampatuan sa Maguindanao. Natakot dahil malakas pa ang pamilyang ito kay President Arroyo. Natakot dahil marami pa itong tiga-suporta na hindi naman nakakulong. Natakot dahil mayaman, makapangyarihan, may kakayanan manakit o pumatay ng tao. Ano raw ang gagawin niya sa kara­ngalan kung wala na ang pamilya niya? Siguro, inisip na dapat ni Judge Cortez iyan, bago pa siya naging judge. O siguro, bago pa siya naging abogado. Luma­labas na pwede palang mamili ng kasong hahawakan. Kapag malalagay sa peligro, pwedeng tanggihan. Kung ganun, hindi pala bulag ang hustisya. Pwedeng mamili. Pwedeng tumanggi. Ilan pa ang mala-Ampatuan sa bansang ito na balang araw ay mahuhuli, at kaka­ilanganing litisin? Lahat ng mga iyan, tila binigyan na ng “tip” ni Judge Cortez, kung papaano manakot sa isang judge para bitawan na lang ang kaso, at mapunta sa huwes na mas “makakausap”!

Palpak na talaga ang lahat ng sangay ng gobyernong ito. Matagal nang palpak ang ehekutibo, siyempre palpak ang lehislatura dahil sa dami ng alagad ni President Arroyo, at ngayon, pati hudikatura pumapalpak na rin. Maliban na lang kung ipakikita ni Judge Jocelyn Reyes na gumagana pa rin hustisya sa Pilipinas, at hindi na masasabi ninuman, na mahina ang babae sa anumang bagay! Para kay Judge Cortez, maaaring hindi nga nakuha ang karangalan, alang-alang sa pamilya. Pero ano pala ang ginawa rin sa kanila, sa pagtangging litisin ang isang umano’y masamang-masamang tao? Kaliwa’t-kanan ang batikos at pintas sa kanya ngayon. Masasabi bang para sa kanya lang ang mga iyan, at hindi para sa mga nagdadala rin ng pangalan niya? Sana nga hindi.

AMPATUAN

DAHIL

JUDGE

JUDGE CORTEZ

JUDGE JOCELYN REYES

JUDGE LUISITO CORTEZ

NATAKOT

PRESIDENT ARROYO

PWEDENG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with