^

PSN Opinyon

Utang na ayaw pabayaran

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

KASO ito ng mag-asawang Noli at Cely. Noong Disyembre 11, 1987, nangutang ang mag-asawa ng P700,000 mula sa MTLC. Bilang prenda, isinangla nila ang ka­nilang lupa kasama ang apat na palapag na gusaling nakatayo rito. Dapat bayaran ang utang sa loob ng anim na buwan sa interes na 3% porsiyento kada buwan. Kung hindi maba­yaran, maaaring humingi pa sila ng dagdag na anim na buwang palugit. Hindi nakabayad sa oras si Noli kaya’t noong Hulyo 16, 1989, umabot na ang utang sa kabuuang halaga ng P1,071,256.66.

Upang makabayad, muling nangutang si Noli sa isang banko (PNB). Ginamit niyang prenda ang parehong ari-arian na nakasangla sa MTLC. Noong Hulyo 8, 1989, ina­prubahan ng PNB ang pagpapautang sa mag-asawa ng halagang P1,300,000 sa kondisyon na makukuha lamang ang pera sa oras na ipakansela ang sangla sa MTLC.

Ipinaalam ni Noli sa MTLC ang tungkol sa pagpayag ng PNB. Noong Hulyo 20, 1989, gumawa siya ng kasu­latan (special power-of-attorney) pabor kay Espie, ang presidente ng MTLC upang makuha nito ang perang inu­utang ng mag-asawa sa PNB. Kinumpirma din ng banko kay Espie ang tungkol sa pag-utang ng mag-asawa ng P1,300,000. Hiningi lang ng banko na pumirma muna si Espie ng “deed of cancellation of mortgage” bilang patu­nay na kinakansela na ang pagkakasangla ng lupa bago niya makuha ang pera. Nagalit si Espie nang malaman niya na ang lupang isinangla ng mag-asawa sa banko ay ang mismong lupang nakaprenda sa kanya. Ayaw pir­mahan ni Espie ang mga dokumento at ayaw din niyang kunin ang P1,300,000 sa PNB. Katwiran niya, dapat daw ipi­naalam muna ng mag-asa­wa sa kanya ang ginawa at hini-ngi muna ang kanyang per-miso bago nangutang sa PNB. Kaya sa halip ipinailit ni Espie ang lupa ng mag-asawa noong Hulyo 28, 1980.

Upang pigilin si Espie, nag­sampa ng kaso (action for specific performance, damages and preliminary injunction) ang mag-asawa. Ayon    sa kanila, hindi tama na ilitin pa ang lupa dahil nagka-    ayos na sila ng MTLC. Una, sad­yang walang basehan si Espie upang hindi tanggapin ang bayad sa utang kaya nara­rapat lamang na mag­bayad siya ng danyos. Pa­ngalawa, dapat ituring na bayad na sila sa utang dahil walang rason kung bakit ayaw tanggapin ng MTLC ang pe­rang maku­kuha ng mag-asa­wa sa PNB. Tama ba sila?

Tama sila sa pagsasabing walang basehan sa batas si Espie upang hindi tanggapin ang bayad sa utang. Ayon sa batas (Art. 2130 Civil Code), maaaring ilipat ng may-ari   ang kanyang interes sa ka­buuan ng lupang isinangla niya. Kung kaya niya itong ibenta kahit pa nakasangla sa iba, ibig sabihin ay kaya rin niya itong muling isangla   sa iba. Kung tutuusin, mas mababaw pa   nga ang ginawa nila sa kara­patang ibinigay sa kanila ng batas. Walang basehan si Espie na utusan ang mag-asawa na hingin muna ang kanyang per­miso bago mangutang sa   PNB. Isa pa, kung tinanggap lamang    ng MTLC ang perang ibina­ba­yad ng PNB, talagang maka­kansela na rin ang sang-la. Dahil walang basehan, na­ra­ra­pat lamang na magbayad si Espie ng danyos alinsunod sa batas (Article 19 Civil Code), na nag­didikta na obligasyon ng bawat tao na laging ma-ging tapat at maayos sa paki­kitungo sa kapwa.

Tungkol naman sa obli­gas­yon ng mag-asawa na ba­yaran ang utang, kahit pa ayaw tang­gapin ni Espie ang bayad nila ay hindi ito nanga­ngahulugan na bayad na sila   sa MTLC. Upang ituring na bayad na ang utang, dalawang kondisyon ang hinihingi ng batas, una, dapat mag-alok ng bayad (tender of payment) at ikalawa, dapat ilagak ang pera sa korte o ang tinatawag sa ingles na “consignation”. Sa kasong ito, malinaw na naka­ kuha na ang mag-asawa ng pamba-yad sa utang nguni’t dahil sa ayaw ni Espie na i-release yung sangla, hindi rin maba­yaran ang utang. Sa ilalim ng ganitong pangyayari, ito’y parang pag-alok na rin nila ng bayad sa utang. Kaya maka­tuwiran la­mang na pa­kawalan na sila sa obligas- yon na magbayad pa ng inte­res sa utang nila.

Ipinag-uutos ng korte sa MTLC at kay Espie na 1) kan­selahin na ang pagkakasang-la ng mag-asawa upang ma­ku­ha na ang perang ibina­bayad mula sa utang sa PNB, 2) tanggapin nila ang pera mula sa PNB katumbas ng utang ng mag-asawa hang­gang Hulyo 20, 1989, 3) mag­bayad sila ng P100,000 bi- lang danyos (moral damages), 4) P20,000 (exemplary da-mages) upang huwag tularan   ng iba, P22,000 gastos sa kaso at 10% ng kabuuan bi­lang bayad sa abo­gado.

Lahat ng ito ay iba­bawas sa iba­bayad sa kanila ng PNB sa utang hanggang Hul­yo 20, 1989 (Go Sinco vs. Court of Appeals et. al., G.R. 151903m October 9, 2009). 

ASAWA

BAYAD

ESPIE

MAG

MTLC

NOLI

PNB

SHY

UTANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with