^

PSN Opinyon

Circus sa Senate?

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

TIYAK magkaka-hetot-hetot na naman tayo sa karnabal investigation kasi nga today ay iimbestigahan ng senate committee ni Senator Rodolfo Biazon aka pong ang Maguindanao massacre at siempre isasalang na naman ang DOJ, DND, DILG, PNP, AFP, at NBI sa gisahan blues.

Ano na nga pala ang nangyari sa ‘independent fact finding commission’ na created ni tita glow?

Mas maganda ang isang independent commission talaga ang magimbestiga para ang mga biases ng mga Senator kung mayroon man ay maiwasan.

Mahirap aminin ang mga pagkakamali ng lumipas. Mahalaga na non-partisan, no-nonsense investigation para mahimay ang complexities ng socio-politico-religious dimensions, di lang ng Maguindanao pero pati na ang buong Philippines my Philippines regarding sa may mga private armies.

Iba-iba nga lang ang situation. Andyan ang Masbate, Ilocos, Cordillera, Nueva Ecija, Pampanga, Negros, Palawan. walang religious dimension pero ‘pure political warlordism.’

Sabagay pinag-utos na ni Police Director General Jesus Ame Verzosa, ang nationwide crackdown sa mga private armies.

Pagtunog ng kampana ng Comelec para magkaroon ng boga ban sa election period tyak hulihan na ng mga loose firearms.

Pinaghandaan na ni Verzosa at AFP Chief of Staff ang puntong ito.

Ang total disarment sa National Firearms Control Program at oplan off este mali hope pala.

Oplan kalansay este mali paglalansag pala sa mga private armies.

Tiyak giyera patani eto pag may lumaban na pags.

Sabi nga, this is the challenge to the AFP/PNP leadership.

Mabuti na lang mag-misis este mali Mistah pala si Ibrado at Verzosa, kaya naman maganda ang magiging teamwork nila.

Ang problem kapag pinasukan ng Senate investigation, ay SIGURADONG mahaluan ng ibang kulay. Natural, imbes na objective na solusyon, magiging investigation in aid of re-election tiyak ang mangyayari.

Imagine isang damukal na mga re-electionist ang magtatanong?

At siempre hindi maiiiwasan na may mag-tututule este mali tili pala todits.

Please lang, pinagtatawanan na tayo ng buong mundo sa mga kaeklatan wala naman nangyayari sa imbestigasyon.

Tri-media lang ang focus at kapag nakakita ng kamera tiyak panay na ang dipa ninyo at babastusin ninyo lang ang mga resource person na akala ninyo ay hindi tao kung pagtatanungin ninyo.

Alam ng madlang people sa Philippines my Philippines na ang ‘STYLE MO BULOK’ ....Hehehe!

No bail sa two shabu couriers, dapat!

AKALA ng mga kamote basta-bastang makakalusot ang ka­nilang epektos sa Ninoy Aquino International Airport dahil magpapasko sa Philippines my Philippines ang mga guardia sibil sa paliparan ay patulug-tulog.

Sinakote ng mga tauhan ni PNP-VSECOM Director Ed Corvera ang dalawang kamote sa katangahan este mali katauhan pala nina Rolando Bello Pono, isang US of A passport holder sa Guam, nagpakilalang pusher este mali landscape techinician pala at si Oscar Calingacion, isang obrero from Dasmariñas, Cavite, kasi may bitbit silang tig-200 gramo ng ‘shabu’ at nakatali sa baywang nito at nakasiksik naman sa bitlog ang droga.

Si Pono, ay papuntang Guam para doon ibenta ang dala niyang shabu samantala si congratulation este mali Calingacion ay magta-travel sa Bacolod at doon din magbebenta ng pinagbabawal na gamot.

Nagpalusot ang mga kamote ng tanungin ni PNP Supt. Raniel Villones na ipinadala lamang sa kanila ang droga.

Nambola pa ang mga kamote porke dehins daw nila alam na droga ang kanilang dala sa katawan.

Naku ha!

Lumang tugtugin na iyan mga tekamots.

Nakakasiguro ang mga kuwago ng ORA MISMO, kapag sinampahan ng case ang dalawang lagapot ay tiyak ‘no bail’ re­commended ang mga ito.

Ang hindi alam ng mga lagapot ay sanay na sanay ma­ngalkal ng mga baggage ang mga authorities sa airport dahil ito ang hotraba nila.

Kung nakalusot sa PNP ang 200 gramo ng shabu ni Pono at doon nahuli sa Guam ito pa ang magbibigay ng malaking kahihiyan sa Philippines my Philippines at sa katulisan este mali kapulisan pala.

Kaya ang maipapayo ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa inyong dalawang kamote mabulok kayo sa bilibid.

Sabi nga, buti nga!

CHIEF OF STAFF

DIRECTOR ED CORVERA

ESTE

MAGUINDANAO

MALI

NATIONAL FIREARMS CONTROL PROGRAM

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PALA

PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with