NAKAGUGULAT ang appeal ni Bro. Eddie Villanueva, kandidato sa pagka-pangulo ng Bangon Pilipinas sa maraming kababayan nating Muslim. May label si Bro. Eddie na “Christian leader” at karaniwang sensitibo ang mga Muslim pagdating sa usapin ng relihiyon. Mas mabuti pa sa kanila ang isang politikong kahit iba ang relihiyon ay walang tag na religious leader. Pero iba si Villanueva.
Sa pinalabas na statement ng Amanah Coalition kumbinsido sila na si Bro. Eddie lang ang may mabisang pormula para tuldukan ang sigalot sa Mindanao.
“Only Bro. Eddie Villanueva can bring about changes in the conflict-ridden Bangsamoro,” anang mga prominenteng Muslim leaders kasabay ng pagdedeklara ng lubos na suporta kay Bro. Eddie nung nakaraang linggo. Bukod diyan, may isang senatorial bet ang Bangon Pilipinas na Muslim. Ito si Dr. Zafrullah Alonto. Naririyan din si Nur Misuari na kumakandidato sa pagka-governor ng Sulu sa bandila ng Bangon.
Si Alonto ang epektibong nakahimok sa Amanah Coalition na suportahan si Bro. Eddie. Ang Amanah Coalition ay kabilang sa mga pinaka-impluwensyal na sector sa Mindanao na may impluwensya sa mga grupo gaya ng Lumadnons sa Mindanao, Maguindanao, Sulu and Pa lawan. Si Alonto mismo ay kabilang sa Alonto clan na may malalim na ugnayan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF). He brings with him MILF support to Bangon Pilipinas.
Sa isang statement, ganito ang pahayag ng Ama-nah Coalition: “We came out with a consensus that Bro. Eddie Villanueva, being a man of God, can bring the much-needed moral fiber in our decadent society and government and is the right person who is capable of putting the nation back to its erstwhile but lost reputation and glory which we, the Filipino people, have been proud of in the past.”
Nakagagalak malaman na puwedeng isaisantabi ang pagkakaiba ng relihiyon alang-alang sa pagtatamo ng tunay na reporma sa bansa. Dagdag pa sa statement: “We call on all the Muslims, Christians and Lumadnons of Mindanao, Sulu and Palawan, as well as the people of Luzon and Visayas, to join us in supporting the Villanueva-Yasay tandem and its entire senatorial slate so that we can achieve a new and lasting real beginning in our beloved nation.”