^

PSN Opinyon

Grandstanding sa Kongreso

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

HINDI pa nagtatagal ang sinasabi ng mga kuwago ng ORA MISMO, oras na nagkaroon ng congressional hearing at pinag­sama ang mga senador at kongresista parang pumasok ka sa carnaval at nanood ng circus pagkatapos ay naka-upo sa front seat ng isang giant roller coaster.

 Sabi nga, parang tsinu-tsubibo.

 Hihimatayin ang madlang pinoy sa Philippines my Philippines pag pinakinggan mo ang mga grandstanding ng mga politiko.

 Tulad ng dati, andyan ang walang kakukupas na si brenda tililing na nagtitili, nagda-drama at pakumpas-kumpas pa, Si kongo este mali cong pala dilang alanganin, na parang boses kenkoy na parang di susi kung magtatatalak.

 Tumaas tuloy ang kilay ng mga kuwago ng ORA MIS­MO, abogado de kalembang na nagsabing “kaya ayoko maging huwes bro. bakit kamo: puputi buhok mo pagnakinig ka sa 2 atty. na alam mong binobola ka lang.” Hehehe!

 Mabuti na lang at parehong abogado sina Mr. Senate President at  Mr. House Speaker, kaya alam nila ang takbo dyan sa Kongreso sa mga kasamahan nilang mahilig umarte este mali grandstanding pala.

 Sabi nga, mga your horrors!!!

Two as in dalawang araw na asar na asar ang madlang pinoy sa Philippines my Philippines sa antics ng mga mambubutas sa pagdinig ng martial law.

According to Ateneo Dean Joaquin Bernas, isa sa mga Constitutional Convention delegate na bumalasa ng 1987 telenovela sa haba na Saligang butas este batas pala, na  “the declaration of martial law by the president is a political question.”

 Sabi nga, “reference to the penal laws is altogether different.  the real problem is the unpopular outgoing president. the wisdom and propriety of martial is put in a bad light despite the popular support of the church and residents of Maguindanao who sees the real and complex situation on the ground.”

Ang pinaka-masama este mali masa pala ang dating mga kamote,  ay itong si pong pagong Biazon.

Bakit?

 Sagot - akalain mo pagsisigawan ang ating kawawang Sec. of Justice Agnes, na cute pa naman noong mga oras na iyon. Kasi bago ang hair done niya from Ness. Hehehe!

 Ang problema nga lang hindi naman sila magkaintindihan? 

 Kasi pilit na iginigiit ni pong ang tanong na di naman main­tindihan ni Agnes?

 Tapos biglang, tinapos ang pagtatanong na di pa makatapos na magpaliwanag si Madam Devanadera.

Sabi nga ng isang young officer sa gallery palibhasa, goat kasi sa class kaya medyo mapurol ang utak?

 Sino?

 Iyang mga kamote ang hulaan ninyo?

 Nagpapakitang gilas na si pong na siya ay dating soldier. Pati SMEAC tinatanong. Kung siya daw ay commander sa Maguindanao eh di nya maiintindihan ang kanyang misyon.

 Hindi naman ito ang punto, kasi nga hindi naman goat ang mga commander sa Maguindanao. Hehehe!

 Ika nga, mga baron at mas matalino pa sa ex-chief of estafa ang mga nandoon.

 Sabi nga, hindi goat.

‘Ano ba ang goat para maintindihan ng madlang people of the Republic of the Philippines?’ Tanong ng isang marine sa Mindanao?

 ‘Ang goat ay ang pinakakulelat sa klase sa PMA’

 Sabi nga, pinaka-bobo.

 Tumaas lamang ang puesto nito dahil sa blind loyalty.

 Sabi nga, ke tita kuri. Hehehe!

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ur horror mr. goat, high tech na tayo ngayon. Techie na ang mga sundalo ngayon.

 Text lang alam na nila kung ano ang mission at kung ano ang dapat gawin to accomplish their mission.

Pag kumampanya ka na sa tongreso next year, kumbinsihin mo ang mga mahilig sa kalderat dyan sa lugar na tatakbuhan mo baka sakali manalo ka.

Payong kambing your horror, wag mo bastusin ang babae.

 Sabi nga, nasa kultura ng madlang Pilipino yan.

 Ika nga, ng mga kuwago ng ORA MISMO, maghanap ka ng lalaki na pwedeng lumaban sa iyo ng suntukan.

 Pasalamat ka di ka pinatulan dati ni dirty Harry Lim nong nasa senado pa ito.

 Sabi nga, baka pulbos ka sa ninja assassin!!!

FEU Law Alumni Association

 KUNG si Atty. Silverio “Biyong” Garing, panggulo este mali pangulo pala ng FEU Law Alumni Association ang tatanungin regarding sa pagbagsak ng batas militar sa Maguindanao ay dehins siya palo todits.

 Bakit?

 Illegal daw kasi ang martial law!

 Binabatikos ni Biyong ang mga pumatay sa dalawang abogada na kabilang sa minasaker ng mga gago sa Ma­guindanao province.

 Kasi ang gusto lamang ni Biyong ay mapabilis ang hustisya ng mga napatay sa Ampatuan Maguindanao massacre.

AMPATUAN MAGUINDANAO

BIYONG

HEHEHE

KASI

LAW ALUMNI ASSOCIATION

MAGUINDANAO

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with