HINDI kapani-paniwala na sa isang iglap ay bumagsak ang mga Ampatuan na tinaguriang napaka-powerful hindi lamang sa Autonomous Region of Muslim Mindanao o Maguindanao, ngunit sa ibang bahagi rin ng Mindanao, gaya ng Davao City.
Ang ostentatious display of power, wealth and even arrogance ng mga Ampatuan ay ramdam na ramdam din maging dito sa Davao City. Nagrereklamo na nga ang mga kapitbahay nila sa mga subdivisions na kung saan nila pinatayo ang kanilang mga naglalakihang mansion dito sa Davao City dahil nga sa dami ng mga bodyguards nila at nakaparada pa yong mga sasakyan nila sa harap ng mga bahay ng ibang residente ng mga subdivisions. Saan ka ba nakakita na sa sarili mong bakuran ay kailangan mo pang magpa-alam sa mga bodyguards ng mga Ampatuan bago ka makalabas o makapasok man lang?
Maging sa lansangan dito sa Davao City, walang makapagreklamo tuwing pumapayagpag ang mga Ampatuan lulan sa sobra sang dosenang magkaparehong kulay itim na SUV dahil nga may bitbit silang maraming security escort na fully-armed din. Ilang ulit na ring nagkabanggaan ang mga Ampatuan guards at mga pulis ng Davao City dahil lang sa traffic altercation.
At nang napabalita nga kahapon ang pag-aresto sa Ampatuan patriarch na si Maguindanao Gov. Andal Ampatuan, Jr. at maging kay ARMM Gov. Zaldy Ampatuan at iba pang mga miyembro ng Ampatuan clan, nakahinga nang maluwag ang mga taga-Davao City, lalo na ang kanilang mga kabitbahay sa Juna Subdivision.
Nang mahukay ng mga awtoridad ang bultu-bultong bala at armas ng Ampatuans noong Huwebes at Biyernes sa kanilang mansion sa Sharrif Aguak, naging tanong naman ng mga tao rito na kailan ba isusunod ang mga mansion ng mga Ampatuan dito sa Davao City. Malamang marami rin silang binabaong armas dito kung pagbasehan ang ilang insidente dito na kung saan nagpapakita ng firepower ang mga Ampatuan sa pagitan ng malalaki at modernong armas.
At ang November 23 Maguindanao massacre ang nakapagpabagsak sa mga Ampatuan. It was one wrong move nila na akala nila ay malusutan pa rin nila dahil nga sa kapangyarihang akala nila ay habang panahong hawak nila.
Sana naisip ng mga Ampatuan na may hangganan ang kapangyarihan, kayamanan at ang kayabangan.
* * *
Ito ay para sa isang kasamahang mamamahayag na naka-assign sa Malacañang. Hindi ko nga lang nakuha ang pangalan niya ngunit siya yung nagtanong ng isang napaka-insensitive na question.
Tinanong nga niya yong mga panelists sa 7:00 a.m. na press conference kahapon sa Palasyo na “Bakit Maguindanao lang at hindi ang buong Mindanao ang dapat na mailagay sa ilalim ng Martial Law gayong binomba raw ang isang police station sa Sulu?”.
Napatunganga ako at saka napasigaw ng malaking ‘Ha? Oh! My God!. I couldn’t believe my ears. How insensitive!
I wonder if that reporter knows her geography. I wonder if she ever knows Mindanao for her to say “why not the entire Mindanao be placed under Martial Law?”. Alam ba niya na ang Maguindanao ay hindi ang buong Mindanao o ang Mindanao ay hindi ang Maguindanao lang?
Kailangan talaga naming mga mamamahayag na maging sensitibo sa mga bagay-bagay gaya ng mga issues affecting Mindanao.
Maliban sa isang seminar on Philippine geography at isang orientation on Mindanao, siguro mabuting padalhan na rin ng isang mapa ng Mindanao bilang Christmas gift sa nasabing reporter nang sa gayon ay matuto siya kung ano ang Mindanao.
Huwag naman nating dagdagan ang problema sa kapayapaan ng Mindanao sa paraan ng maling pamamahayag.