^

PSN Opinyon

Diwa ng Pasko sa Pilipino Star NGAYON

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

KAHIT hindi pa Pasko ay parang pasko na rin dito sa opisina ng Pilipino Star NGAYON (PSN) at kapatid na pahayagan, Philippine STAR. Hindi mga Christmas lights ang aking tinutukoy, kundi ang kabaitan ng puso ng mga empleyado at namumuno ng STAR group of companies.

Nasabi ko ito dahil may lampas 2 taon na akong dok-tor dito sa STAR group. Karamihan ng empleyado ay na­kausap ko na. Bukod sa pag-check up ng kanilang kalu­sugan, ay nakita ko rin ang sakripisyo nila.

Tulad na lang ni Ms. Wilma, isang proofreader sa Philippine STAR. Lagi siyang nangunguna sa pagpunta sa mga relief operations nitong may bagyo. Kahit masakit ang paa ni Ms. Wilma ay sumusugod pa rin siya sa baha. Sabi ko ay mag-ingat siya at baka ma-leptospirosis siya. “Ok lang dok, basta makatulong sa iba,” ang sabi niya.

Si Mr. Nestor Pantig naman ay may 30 taon na sa STAR group. Nakita ko siyang masipag na nagbibitbit ng mga relief goods para ipadala sa mga binaha sa Pam­panga. Pero alam ba ninyo na may chronic kidney failure (sira ang bato) si Nestor at kailangan na niyang mag-dialysis 3 beses kada linggo. Kahit pinagbabawalan ko siyang magbuhat ng mabibigat, ang sagot lang niya ay, “Dok, kaya ko pang magbuhat. Ok lang ako.”

Napakarami pang matulungin dito sa STAR, tulad ni Ms. Emmie Cruz, ang coordinator ng Operation Dama-yan, at lahat ng miyembro nito. Nandiyan siyempre ang reli­hiyoso at mapagbigay nating editor-in-chief na si Mr. Al Pedroche. Hindi ko maisulat ang lahat ng pangalan nila pero marami silang re-packing ng relief goods at pagluluto na ginawa.

Mr. Miguel G. Belmonte: Ang Ama ng STAR Group

May kasabihan na kung ano ang puno, iyun din ang bunga. Ang PSN at Philippine STAR ay itinatag ni Ms. Betty Go-Belmonte, ang yumaong ina ng President at CEO ng STAR Group na si Mr. Miguel G. Belmonte. Kung gaano kabait si Ms. Betty Go ay ga­ noon din ka­bait ang kanyang anak na si Miguel Belmonte.

Noong panahon ng On­doy at Pepeng, agad-agad na ina­tasan ni Mr. Miguel Belmonte ang STAR group na magbi-gay ng tulong sa mga nasa­lanta. Nag-donate kaagad ng mala­king halaga ang STAR group para maumpisahan na ang relief operations. Naka­pun­ta sila sa Taytay, Pangasi­ nan, Ta­guig, Labuna, at iba pang lugar. Umabot sa lampas P5 million ang halaga ng relief goods ang napamigay.

Masaya kami ng aking Misis na si Dra. Liza Ong na tingnan ang medikal na pa­nga­ngailangan ng STAR group of companies. Sa aking paki­wari ay kung ma­papa­haba ko ang buhay ng mga emple­yado ng STAR, ay para na ring napahaba ko ang kanilang pag­ tulong sa ating kababa­yan. Mula sa PSN at Philippine STAR, Ma­­li­gayang Pasko po sa lahat. God bless po!

vuukle comment

ANG AMA

BELMONTE

GROUP

KAHIT

LIZA ONG

MR. MIGUEL G

MS. WILMA

SHY

STAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with