^

PSN Opinyon

Jueteng sa SPD

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

NAGPUPUMILIT bomola ng jueteng ang Singson-Batangas bloc sa area ng Southern Police District (SPD) para mabayaran ang lingguhan nilang intelihensiya. Sobrang late na kasi ang lingguhang intelihensiya ng Singson-Batangas bloc at mukhang ayaw nang mag­labas ng pera ang bangka na sina Col, Quimio at Mauricio. Kung sabagay, milyon na kasi ang nagastos ng Singson-Batangas bloc at wala pang kasiguruhan kung sa kanila nga mapupunta ang SPD area dahil marami talaga ang pumupuntirya na palitan sila. Kinaka­usap na ng alyas Dennis ang lahat ng kabohan sa SPD para mapanatag ang takbo ng negosyo nila. Subalit marami talaga ang ayaw sumama sa kanila dahil sa tinakbuhan nilang pompyang na taya sa Muntinlupa City at hindi nga sila nakapagbayad sa tamang oras ng lingguhang intelihensiya. ‘Ika nga me semplang ang mga kabo kapag tinalikuran ng Singson-Batangas bloc ang obligasyon nila.

Simple lang naman ang kahilingan ng management para samahan nila ang Singson-Batangas bloc. Una, gusto ng management na makilala ang bankero nila. Pangalawa, nais ng management na magbigay sila ng pitsa para me gastusin sila kapag ni-raid ng pulisya ang puwesto nila. Hindi natugunan ng Singson-Batangas bloc ang kahilingan ng management kaya ayaw sumama sa kanila. Kaya kahit anong pilit ng Singson-Batangas bloc, hindi nila makukuha ang P2.3 milyon na kubransa sa SPD. Kung me pumapayag man na bomola, kapiranggot lang ang kubransa nila. Di ako magtataka kung palugi ang jueteng ng Singson-Batangas bloc.

Paano naman kasi, P1 milyon weekly ang tara ng Singson-Batangas bloc para ke Interior Sec. Ronaldo Puno at P500,000 naman sa Camp Crame. Isama na ang P600,000 monthly para sa media at iba pang gastusin tulad ng P370,000 na piyansa sa 33 nahuli sa Taguig City. Idagdag ko pa ang itinakbong P2 milyon ni alyas Leo na kumpare ni alyas Bong ang management naman sa Pasay at Makati at ang P4.2 milyon na ginastos nila para masibak sa puwesto sina Elmer Nepomuceno at Allan Manuela.

Kahit sa Singson-Batangas bloc man mapunta ang jueteng sa SPD, sa tingin ng mga nakausap ko, hindi rin sila tatabo ng limpak na pitsa rito dahil sobrang laki ng inteli­hensiya nila. At kapag bibitiwan naman nila ang area, mahihirapan ding makabalik sa puwesto sina Elmer at Allan dahil maaring hindi na nila maibaba ang lingguhang inteli­hensiyang inilatag ng Singson-Batangas bloc. Walang win-win situation ang bankero dahil nakatikim na ng mantika sina Puno, at opisyales ng PNP at mga pulitiko na nag-iipon na ng pondo para sa election. Ano kaya ang masasabi nina Col. De Joya, ang bagman ni Puno at alyas Brian, ang undersecretary for jueteng affairs ng DILG? Sina De Joya at Brian ang itinuturong gumagamit ng pangalan ni Puno sa jueteng.

ALLAN MANUELA

BATANGAS

BLOC

CAMP CRAME

DE JOYA

NILA

PARA

PUNO

SINGSON

SINGSON-BATANGAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with