^

PSN Opinyon

'Ang gulay' bow

- Al G. Pedroche -

DUMARAMI ang kaso ng hypertension dahil sa pagkain ng sobrang karne gayundin ng mga labis na alalahanin na nagdudulot ng stress. Kaya dapat na tayong matutong kumain ng mas maraming gulay. Ako walang problema diyan. Kahit nilagang talong, okra o sitaw ay aprub na sa akin lalu pa’t may sawsawang suka’t bagoong o kaya’y balaw-balaw.

At dahil tumataas ang presyo ng karne at isda, panahon na para magbago ng dietary regimen at damihan ang konsumo ng gulay. Madalas, parang nahihiya ang isang pamilyang gulay ”lang” ang ulam. Huwag laitin ang gulay. Ang gulay ay maraming taglay na sustansiyang mabuti sa kalusugan. Bukod sa magandang kalusugang dulot nito, malaki rin ang matitipid ng pamilyang nakalalamang ang gulay na isinisilbi sa mesa.

Para sa pamahalaan, lalu na sa Department of Agri-culture, ang gulay ay ”pansagip” sa milyon-milyong nagu­gutom nating kababayan. Kaya inilunsad ang programang Gulayan ng Masa, kaugnay ng pangunahing pro­grama ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na Acce-lerated Hunger-Mitigation Program (AHMP).

Layon nito na bawasan ang gutom at mapalaganap ang sustansiyang dulot ng pagkain ng gulay sa mga tina­target na probinsya at urban areas. Ito’y sa pamamagitan ng pagtatayo ng home gardens; pagsasanay sa mga pa­milya ng vegetable at seed production; pagpapalawig ng paggamit ng container gardens sa urban areas; at mala­wakang kampanya sa pagkain ng gulay.

Maganda iyan. Bukod sa dahilang pangkalusugan, ma­bigyan din ang pa­milya ng dagdag kita sa pa­ma­magitan ng pag­ti­tinda ng mga aanihing produkto, di ba?

Sa report ng DA kay National Nutrition Council Chair at Health Secretary Francisco T. Du­ que III na siya ring Lead ng Anti-Hunger Task Force, mayroon nang 5,996 communal backyard gardens na naitayo sa lahat ng AHMP Priority 1 and Priority 2 areas, pati na sa National Capital Region na na­ka­pagserbisyo sa 1,608,153 pamilya noong taong 2008. Sa taong ito, 1.6M nang pa­milya, 11,999 na paaralan ang nabigyan ng seeds ng Bureau of Plant Industry para sa kanilang gulayan project.     

Ikinatuwa ni Duque ang malaking bilang na naitala ng DA sa pro­gra­mang ito, at aniya ay uma­asa siya na sa ma­lapit na hinaharap ay mas ma­ipapalaganap pa ng DA ang kabuti­hang dulot ng pagtata­nim at pagka­in ng gulay sa kalusu­gan at nutris­yon, lalo na sa mga mahi­hirap na­ting kababayan. 

ANTI-HUNGER TASK FORCE

BUKOD

BUREAU OF PLANT INDUSTRY

DEPARTMENT OF AGRI

GULAY

HEALTH SECRETARY FRANCISCO T

HUNGER-MITIGATION PROGRAM

KAYA

NATIONAL CAPITAL REGION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with