^

PSN Opinyon

Ano ang ulam?

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

MAY panibagong eksenang idadagdag sa pelikulang “Pintakasi 2010”. Ito ang yabangan sa KKK - Kontrober­siya ng Kandidato sa Kalsada. Bidang bida dito sa ngayon si Sen. Manny Villar dahil sa nabistong double insertion, overpricing at conflict of interest sa C-5 Las Pinas – Para­ñaque ROAD project. Ang dating sikat diyan ay si Gng. Arroyo dahil sa Diosdado Macapagal ROAD sa may SM-MOA na tinaguriang “the most expensive boulevard in the world.” May pahabol pa ngayon sa ROAD Users Tax Scandal na ine-expose ni Sen. Miriam Defensor-Santiago. Si Erap man ay may masamang karanasan sa ROAD — ito ay ang EDSA kung saan siya’y nakudeta ng mga pang­kat na nakinabang sa kanyang pagkatalsik.

Kaya naman ganun na lang ang pagmamalaki at pag­mamalinis ng kampo ni Sen. Noynoy Aquino. Ibahin daw sila – aanhin ang talino kung walang puso? Para saan ang galing kung may bahid ng dungis? Ang kanilang manok, texas daw ang lahi! Walang kinasangkutang anomalya, walang masamang rekord.

Nung Miyerkules ay may natuklasang katotohanan na, kung hindi maipaliwanag nang maayos, siguradong magsisilbing game-changer muli sa pagtingin kay Sen. Noynoy. Sa HOUSE oversight committee hearing, luma­bas na ang SCTEX ay lumobo ang budget mula sa orihinal na P21.4 billion hanggang umabot sa P32.8 billion dahil sa alteration at realignment sa plano, kabilang ang pag­tayo ng karagdagan at hindi kinakailangang Hacienda Lui-sita Road Interchange na nagkakahalagang P170 million.

Sa unang plano, dapat ay sa commercial area ng Ha­cien­da ang itatayong daan. Sa huli ay pinagpasyahang itayo na lang ang kalsada sa kalagitnaan ng kabukiran. Ang tutumbukin nito ay walang iba kung hindi isang priba­dong kalye na pag-aari ng pamilya Cojuangco-Aquino. Umaalingasaw din daw ang tinawag na “sweetheart deal” dahil: (a) may overpricing sa binayad na P83 million Right of Way na P100/sq.m. habang ang karaniwang presyo ng mga katabing lupa ay P6 to 8/sq.m. lamang; (b) hindi raw nabalatuhan ng sapat ang mga magsasakang may-ari din ng Hacienda Luisita na tigpipiso at singkuwenta sentimong dibidendo ang natanggap at (k) ayon daw sa rekord, isa itong conflict of interest situation dahil walang iba kung hindi si Sen. Noynoy Aquino ang nagpanukala ng pro­yekto.

Kung hindi madepen­sahan ni Sen. Noynoy ang mga akusasyong ito, Hello KKK at goodbye na sa ar-gu­mentong puso at kalini­san. Kapag ang mga ito’y tuluyang mawala sa hapag kainan, ano kaya ang ma­iha­handang ulam ni Sen. Noynoy?

DIOSDADO MACAPAGAL

HACIENDA LUI

HACIENDA LUISITA

KUNG

LAS PINAS

MANNY VILLAR

MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO

NOYNOY

NOYNOY AQUINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with