^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Unahin muna ang laban vs kahirapan

-

MARAMING bumabatikos sa mga kongresistang nagsiliparan na papuntang Las Vegas para mapanood ang laban ni boxing champ Manny Pac­quiao at Puerto Rican Miguel Cotto sa November 15. Unang-una nang nakaalis si House Speaker Pros­pero Nograles. Sabi niya, malaking suporta ang mai­bibigay ng kanyang presensiya sa Pinoy idol at bukod doon kabilang siya sa Team Pacquiao. Bukod kay Nograles, 19 na kongresista pa ang manonood ng laban. Ang nakakatuwa o nakatatawa ay magbu­bukas ang session ng Kongreso sa Lunes. Mara­ming mahalagang batas na tatalakayin at ipapasa at kailangan ang quorum. Pero walang magagawa dahil bago pa mag-undas, lumipad na ang mga ma­gi­giting na kongresista.

Nalalaman ng mga kongresista na uusok ang bati­kos dahil sa kanilang pag-alis para manood ng laban at nakahanda na ang kanilang mga sagot. Ayon sa kanila, hindi naman daw galing sa kaban ng bansa ang kanilang gagastusin. Sarili raw nilang pera mula sa bulsa ang dinukot para maipamasahe at mabaon habang nasa Las Vegas. Kahit daw singko ay walang nanggaling sa perang buwis ng taumbayan. Dollar ang gagastusin ng 20 kongresista habang nasa Las Vegas. Sa hotel siyempre sila titira at masarap ang kakainin. Puwede bang kumain nang basta-basta lang sa hotel? Siguradong malaki ang kanilang ga­gastusin kagaya rin ng ginastos nina President Arroyo at mga Cabinet official nang dumalaw kay President Obama. Milyong piso ang ginastos sa restaurant nang kumain sina Mrs. Arroyo noon. Sabi, dala­wang kongresis-tang malapit sa kanya ang nagbayad ng kinain sa Los Angeles restaurant at sa Washington DC.

Hindi maiaalis na umusok ang batikos sa tuwing may mga government official na magtutungo sa ibang bansa. Masyadong sensitibo na ang marami sa ganito. Lalo pa nga ngayon na sunud-sunod ang kalamidad na tumama sa bansa. Maraming nama­tayan, nawalan ng bahay, nasira ang pananim, nawa­sak ang mga ari-arian at iba pang masasaklap na nangyari. Habang nanonood ang mga kongresista sa laban sa Las Vegas, nakikipaglaban naman sa kahi­rapan at gutom ang mga kawawang kababayan na naghalal sa kanila. Habang pumapangal sila nang masarap na steak, nagdidildil sa asin ang mga bu­moto sa kanila. Sa 2010 elections, ang mga ito rin ang kanilang uutuin.

Nasaan naman ang konsensiya ng mga lingkod bayan kuno na ito? Maaari namang suportahan si Pacquiao kahit nasa sariling bansa.

HABANG

HOUSE SPEAKER PROS

LAS VEGAS

LOS ANGELES

MANNY PAC

MRS. ARROYO

NOGRALES

PRESIDENT ARROYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with