^

PSN Opinyon

'Unconditional and absolute' ang pardon kay Erap

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

NAPAG-USAPAN namin ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, ang desperado na namang pagpipilit ng Malacañang na hindi raw puwedeng kumandidato sa 2010 presidential election si Presidente Erap dahil kondisyon daw ito sa pardon sa kanya.

Pinipilit baluktutin ng Malacañang ang sinasabi ng halos lahat ng mga eksperto sa batas, na ang pardon kay Erap ay “unconditional and absolute” o ibig sabihin ay walang anumang kondisyon at ito ay buong-buo kaya’t alinsunod sa konstitusyon ng ating bansa, it “restores his civil and political rights” o naibalik na ang lahat ng kanyang sibil at pampulitikang karapatan kasama ang karapatang bumoto at iboto sa alinmang posisyon sa pamahalaan kabilang ang pampanguluhan.

Isa sa legal luminaries na ito ay si Justice Magdangal Elma, cum laude ng University of the Philippines (UP) School of Law batch 1962, Master of Laws sa Yale Law School batch 1962 at nagsilbing Presidential Legal Counsel ng dating administrasyong Aquino.

Ayon kay Elma at base rin sa pahayag ni dating Supreme Court Chief Justice Artemio Panganiban, ang sinasabi ng Malacañang na kondisyon daw ng pardon o “executive clemency” kay Erap ay bahagi lang ng “preamble” o “where­as clauses” na nagli­tanya lang ng mga dahilan ng pardon at hindi “integral part” o batayang bahagi ng alinmang batas o ng pardon kaya’t hindi ito basehan ng ‘rights and obligations’o ka­rapatan at obli­gasyon, at lalong hindi ito pwe­deng maging sagka o ma­ngiba­baw sa mis­mong teksto ng pi­nag-uusapang pardon. Malinaw aniya na na­ibalik na kay Erap ang kan­yang kara­patang bu­moto at iboto.

CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE

EMPLOYMENT AND HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT

ERAP

JUSTICE MAGDANGAL ELMA

LABOR AND EMPLOYMENT

MALACA

MASTER OF LAWS

PRESIDENTE ERAP

PRESIDENTIAL LEGAL COUNSEL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with