^

PSN Opinyon

Ano'ng laro ni Ebdane

SAPOL - Jarius Bondoc -

NAGTATAKA ang Oposisyon kung bakit nagpupumilit tumakbong Pangulo ni resigned public works secretary Hermogenes Ebdane. Ni hindi naman siya kilala ng madla, wala siyang partido, at lalong wala siyang survey ratings. Ang pinanghahawakan lang niya ay ang pagiging malapit kay Gloria Macapagal Arroyo, na bagamat kinasusukla­man ng madla ay maraming perang pantulong sa kampanya at sa pandaraya.

Kaya, ano ang laro ni Ebdane? May mga nag-iisip na hindi siya seryosong kandidato, kundi bahagi lang ng madilim na plano ng Arroyo admin na manatili sa puwesto, Idinidikit siya sa scenario na magiging Prime Minister si Arroyo, para makalusot sa kasong plunder at murder.

Ganito ang scenario: Kakandidato si Arroyo bilang congress­woman ng Pampanga, kaya panay na ang pami­migay ng pabuya sa 2nd district ng anak na Rep. Mikey Arroyo. Tapos guguluhin ang halalan. Magdedeklara ang Comelec — na puro appointees ni Arroyo — ng failure of election sa national level. Walang madedeklarang panalo sa pagka-Pangulo, Bise, at senador — puro congressmen at local officials lang ang may resulta.

Dito umano papasok si Ebdane, na nag-asam mag-Pangulo. Bilang party of interest, papayag siya sa dekla­rasyong failure of election o walang resulta. Maaring pu­mayag ang iba pang kandidato, lalo na ang tiyak na talu­nang admin standard bearer at sinomang Trojan horse sa Oposisyon.

Magkaka-crisis sa politika kapag walang umupong   Pa­ngulo sa June 30, 2010 sa pagbaba ni Arroyo sa pu­westo. Ihahalal siyang Speaker of the House. Samantala, walang liderato ang Senado dahil tapos na ang termino ni Juan Ponce Enrile bilang Senate President at wala siyang kapalit. Magko-constituent assembly ang Kamara para gawing parliamen- tary ang presidential form of government. Magiging Prime Minister si Arroyo. Kukunin nila ang suporta ng Korte Suprema at militar na puro appointees din ni Arro­yo, at ng local officials na puro kapartido niya. Maa­ring may ilang variations, pero ‘yan ang kinata­takutan ng Oposisyon.

vuukle comment

ARROYO

EBDANE

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

HERMOGENES EBDANE

JUAN PONCE ENRILE

KORTE SUPREMA

MAGIGING PRIME MINISTER

OPOSISYON

PANGULO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with