^

PSN Opinyon

Jehovah's

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

INIIMBITA ng Jehovah’s Witnesses ang lahat ng madlang people na interesadong makinig sa talastasan regarding bigle’s description tungkol sa mga sinasabing ‘end of the world’ at Keep on the Watch.

Ang iba pang paguusapan ay ang ‘Stay Awake as Christian Families’, Know that the end is Near’, echetera.

Tatlong araw ang nasabing convention tuwing Biernes, Sabado at Linggo ngayon ang simula hanggang Enero 10, 2010.

Walang bayad sa convention gaganapin ito sa iba’t-ibang assembly halls sa mga cities at provinces sa buong may Philippines my Philippines.

Ang Friday at Saturday session ay magsisimula ng alas-8:20 am until 3:55 pm, at 8:55 am hanggang 4:00pm tuwing Linggo at para sa Filipino session ito ay magsi-simula sa October 30 sa Metro Manila Assembly Hall sa Novaliches, Quezon City.

SC bahala kay Erap

BAHALA ang Supreme Court na magbigay ng sen­yales kung puede o hindi tumakbo si Erap sa 2010 Presidential election kaya dapat tigilan ng mga critics ang kanilang mga bunganga sa kadadaldal.

Ang Supreme Court ang siyang magmamando kung ok si Erap sa kanyang posisyon pero kung umiling ang Korte Suprema alaws magagawa ang kampo ni Estrada tungkol sa kanyang ambisyon.

Sabi nga, the return of the comeback!

Hayaan natin magpasiya ang Korte Suprema sa pinaguusapan ngayon ng kontra at kasangga ni Erap wala kasi silang karapatan tungkol sa mga usapin kung puede pang tumakbo ito sa pagka-panggulo este mali pangulo pala.

Halos lahat ng madlang people ay nakakaalam kung sino at bakit tinigbak sa puesto si Erap.

Bakit, nga ba?

Sagot-itanong ninyo sa kano. Hehehe!

‘Sa palagay mo ba makabalik pa si Erap sa kanyang minimithing ambisyon?’ Tanong ng kuwagong talunan sa eleksyon.

‘Kamote, hindi ka yata nakakaintindi kapag sinipa ka ng kano mahirap ka ng bumangon.’

‘Bakit si Erap ba ay talagang pinatalsik ng kano?’

‘Hindi ba ang people’s power 2 ang dahilan ng kanyang pagkakasibak sa malakanin este mali Malacañang pala?’

‘Talagang matigas ang ulo mo kamote dehins ka makasakay sa isyu.’

‘Bakit nga?’

‘Iyan ang itanong mo sa kanila.’

Ver na baho ng Manila

SI Noel kuarto pala ang bagman ng NCRPO at NAPOLCOM pagdating sa usapin illegal vices.

Ang mga bata nito ay sina Mel at Eric ang sinasabing agent U-2-10 sa National Police Commission ang taga -orbit ng intelihensiya.

Sa Manila naman ay si Ver na baho ang sinasabing batang sarado ni MPD Director Rudy Magtibay?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Papayag ba si Magtibay na gamitin sa kawalang­hiyaan ang kanyang name pagdating sa usapin ng illegal vices tulad ng mga pasugalan, putahan at mga vendor na nagkalat sa Manila.

Wala kasing pinaliligtas si Ver na baho pagdating sa intelihensiya.

‘Kapos ang kolum ng Chief Kuwago next time pagusapan natin sila.”

Abangan.

ANG FRIDAY

ANG SUPREME COURT

BAKIT

CHIEF KUWAGO

CHRISTIAN FAMILIES

ERAP

KORTE SUPREMA

LSQUO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with