^

PSN Opinyon

Sinseridad na may kapasidad

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

KAPUNA-PUNA ang pag-amin ng isang senador sa Forum of 100 Local Government Champions with the Pre­sidentiables na dapat pa niyang pag-aralan ang mga isyu na hinaharap ng ating mga pamahalaang lokal bago masagot ang mga katanungan ng mga mayor. Opinyon ng ibang reporter at komentarista (tulad ng Newsbreak magazine): para sa isang Chairman ng Senate Committee on Local Government, kagulat gulat ang kanyang kawalan ng paninindigan sa mga isyu, lalo na sa maha­lagang usapin ng devolution na bahagi ng mas mala-     king isyu ng local autonomy.

Dito lang sa ganitong talakayan makikilatis ang mga nagpiprisintang kandidato. Ang tawag dito’y “double edged sword”. Oportunidad na makilala. Pagkakataon ding pumalpak. Nasa kamay mo kung lulutang ka o lulubog.

Kahit sa panahon ng kalamidad, nakatutulong ang ganitong uri ng ehersisyo dahil importante sa ating kumpi­yansa na patuloy at hindi nakumpromiso ang pagtakbo ng mga institusyong demokratiko. Sa pagkakataong ito, higit kailanman, natututok ang ating isip sa kuwalipikas-yon ng mga naghahangad maglingkod.

Ang naganap na trahedya – ang mismong kalamidad, ang pagbaha, at ang kakulangan ng gamit at imprastruk­tura upang matulungan ang lahat – ay maihahambing sa isang total breakdown ng pamumuno. Ngayong mas naiin­tindihan na natin ang mga sanhi, walang kukuwes­tiyon sa obserbasyong nagkulang ang lahat ng ating naging pinuno, mula pa kay Marcos. Iniwasan ng lahat ang mga mabigat at kritikal na desisyon, lalo na sa Urban Planning at Disaster Risk Management. Hindi sana napunta ang ating mga kababayan sa ganitong peligro­song sitwasyon.

May kinalaman ang corruption, siyempre, sa pag­pikit mata at kibit-balikat    ng mga naupo na. Walang duda na ang bansa ay ma­kiki­nabang sa isang malinis na kandidato na “walang alam” sa kalokohan. Subalit mawalang galang na po, ang pagiging malinis at tapat ay dapat ding saba­yan ng kakayanang guma­wa ng mga kritikal na desis­yon, ng dunong at tapang na pangatawanan kung sino ang iuuna at ihuhuli sa pagbahagi ng laging mag­kukulang na resources. Ma­ganda ngang makita na ang isang pinuno ay natapos ang termino na walang bahid ng kalokohan. Subalit kung iyan lang ang maipag­mamalaki, paano naman ang performance na kaila­ngan ng taumbayan? Ma­gandang pambungad ang sinseridad. Mas maganda sana kung ito’y may kasa­bay ding kapasidad.

DISASTER RISK MANAGEMENT

DITO

LOCAL GOVERNMENT

LOCAL GOVERNMENT CHAMPIONS

SENATE COMMITTEE

SHY

SUBALIT

URBAN PLANNING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with