^

PSN Opinyon

Media killings prayoridad ng CAJ

- Al G. Pedroche -

CONGRATS sa pangulo ng National Press Club of the Philippines Benny Antiporda sa pagkakahalal niya bilang regio-nal vice president ng Confederation of ASEAN Journalists (CAJ). Ang okasyon ay ang general assembly meeting ng CAJ sa Kuala Lumpur Malaysia na bumalangkas ng action plan para maresolba ang sari-saring problemang kina­kaharap ng mga journalists hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Nakumbinsi ng delegasyong pinamumunuan ni Anti­porda ang CAJ na ilakip ang “media killings” o pagpatay sa mga media practitioners sa Pilipinas at bigyan ng prayo-ridad sa “Kuala Lumpur Action Plan na ipatutupad sa susunod na dalawang taon.

Ginanap ang makasaysayang okasyon sa Nikko       Hotel sa Kuala Lumpur, Malaysia mula Sept. 30 hang-     gang Oktubre 4.

Kung tutuusin, hindi na sana dapat tumaas pa sa regional level ang panloob na problema ng bansa. Pero kabi-kabila ang pagtutumba sa mga practicing journalists ng mga taong kanilang nasasagasaan at binabatikos. Palibhasa, mas mura ang umupa ng killer kaysa magde­manda ng libel na bukod sa magastos ay uubusin pa ang oras mo sa pagdalo sa mga hearings.

Anyway, salamat at nasa atin na ngayon ang simpa-tiya at pakikipagtulungan ng mga katoto nating journalists mula sa ASEAN countries. Sana’y tumalab ang nagka­kaisang panawagan sa gobyerno para seguruhin ang kaligtasan at seguridad ng mga mamamahayag sa radyo, telebisyon at diyaryo.

Ang CAJ ay isang no-nonsense action group ng mga mamamahayag mula sa mga bansang kasapi ng ASEAN na maituturing na malakas na puwersa na puwedeng ka­ lampagin ang mga pa­ma­ha­laan para asikasuhin ang kalig­tasan ng mga nasa media profession.

Bukod kay Antiporda, ang Philippine delegation   ay binu­ buo nina NPC directors Joel Sy Egco, chairman of the Committee on Press Free­dom; Marlon Purifi­ca­cion at Roniel de Guz­man; dating National Union of Journalist of the Philippines Chairman Joe Torres; at ng vete­­ran journalist at columnist, Da­ nilo Mariano ng Manila Times.

Binigyang diin sa nabu—ong resolusyon ang pagsa­sagawa ng aksyon ng gob­yerno upang masawata ang kabi-kabilang pagpatay sa mga mamamahayag.

Ang tema ng pagpupu­- long ay general assembly “Growth of Media Freedom in Asean” at dinaluhan ng may 100 mama­mahayag mula sa iba’t ibang bansang kasapi      ng ASEAN.

ASSOCIATION OF SOUTHEAST ASIAN NATIONS

GROWTH OF MEDIA FREEDOM

JOEL SY EGCO

KUALA LUMPUR

KUALA LUMPUR ACTION PLAN

KUALA LUMPUR MALAYSIA

MANILA TIMES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with