^

PSN Opinyon

Pakuluan ang tubig na inumin para iwas sa tipus

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

Dear Dr. Elicaño, ang pinsan ko po ay isa sa mga nabik­tima ng bagyong Ondoy sa Cainta at hanggang sa kasa­lukuyan ay lubog pa rin sila sa baha, Problema nila ang kawalan ng malinis na tubig na maiinom. Ano po bang sakit ang maaari nilang makuha kapag nakainom sila ng kontaminadong tubig? – MARICRIS ng Quezon City

Mas makabubuti kung pakukuluan muna ng tatlong minuto ang tubig bago ito inumin. Ganito rin ang payo ng Department of Health hindi lamang sa mga nabiktima         ni Ondoy kundi sa lahat ng mamamayan.

Isa sa mga sakit na maaring makuha dahil sa pag-inom nang hindi malinis na tubig ay ang tipus. Kapag nagkaroon ng bacteria ang tubig posibleng magkaroon ng tipus.

Ang mga sintomas ng tipus ay pananakit ng ulo, kasu-kasuan, tiyan, sore throat at pagdurugo ng ilong. Maka­raranas din ng pagkauhaw, pagtatae na may kahalong dugo at pagkakaroon ng rashes sa tiyan at dibdib.

Ang bacterium na dahilan ng tipus ay nasa maruming tubig. Kapag nainom ang tubig na may bacterium magsi­simula na ang atake ng tipus. Depende sa dami ng organisms na nalunok kung gaano kabilis lumabas ang sintomas. Kadalasan, may mga carrier na ng tipus pero walang makita sa kanilang sintomas. Ang iba ay mild lamang ang atake kaya ipinagkakamali na gastroenteritis ang tumama sa kanila.

Kapag sobra na ang taas ng lagnat ng may tipus, mang­hihina siya at halos hindi makabangon. Isang deli­kadong mangyari ay ang paghina ng tibok ng puso. Ang iba pang kumplikas-yon ay ang pneumonia, acute he­patitis, cholecystitis, meningitis, tissue abs­cesses, endocarditis at   kid­ney inflammation. Ang mga kumpli­kasyong ito ay maaaring ikamatay ng pasyente. Kapag nakitaan ng sin­tomas ang kaanak, aga­rang dalhin sa doctor. Bi­bigyan ito ng anti-biotics. Karaniwang ibinibigay na antibiotics ang chloram­penicol, ampicillin, ceftria­xone at cefoperazone. Ipi­napayo ko ang paglilinis sa kapaligiran para hindi ku­malat ang tipus.

Nararapat na magsa-bon at maghugas na ma-buti ng kamay pagkatapos gumamit ng comfort room. I-sterilized ang mga damit o beddings. Magpabakuna laban sa tipus.

DEPARTMENT OF HEALTH

DR. ELICA

KAPAG

ONDOY

QUEZON CITY

SHY

TIPUS

TUBIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with