^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Nakangiti pa rin kahit pininsala

-

Kahit na dinaanan na ng delubyo, nakangiti pa rin ang mga Pilipino. Mapapansin sa mga ku­hang retrato at video ng mga taong napinsala ng bagyong Ondoy sa Marikina, Cainta, Pasig, Quezon City na nakangiti pa rin kahit nakalubog sa hang­gang dibdib na tubig. Mayroong nakasakay sa mga improvised na balsa na na­kangiti pa rin kahit na hindi nila alam kung saan sila patungo dahil sinira ni Ondoy ang kanilang tahanan. May mag-asawang negosyante sa Marikina na nawasak ang tindahan na nakangiti pa rin kahit na wala na silang pagkaka­kitaan. Ayon sa kanila, magsisimula silang muli. Babangon silang muli kahit na natangay na ni Ondoy ang kanilang kaunting kabuhayan.

Maski ang mga sundalong Amerikano na tu­mulong sa rescue operation ay sobrang napa­hanga sa mga residente sa Marikina at San Ma-teo, Rizal sapagkat tila raw balewala sa mga biktima ang nangyaring baha na umanod sa ka­nilang mga taha­nan. Isang team ng mga sun­dalong Kano na kina­bibilangan ng mga doctor, nurses at dentists ang isang linggo nang tumu­tulong sa mga nabiktima   ni Ondoy. Una silang nagtungo sa Nangka, Marikina at ginamot ang mga taong nagkasakit dahil sa baha. Maraming bata na nagkasugat sa paa at binti ang kanilang ginamot. Karamihan sa mga tao ay nasa evacua­tion centers. Mahigit 200 katao ang namatay dahil sa bahang idinulot ni Ondoy. Ka­hapon, tuma­­ma naman sa Northern Luzon ang bagyong si Pepeng.

Sabi ng mga Amerikano nakukuha pang ma-kipag-“high fives” ng mga Pinoy sa evacuation centers sa kabila ng teribleng kalamidad na tumama sa kanila. Pambihira anila ito. Ngayon lang daw sila nakakita ng mga taong hindi pinu­problema ang mangyayaring bukas.

Tama ang mga Kano. Kakaiba ang mga Pinoy kahit sinalanta ng kalamidad. Nakangiti pa rin  at handang harapin ang mga hamon ng buhay. Kahit na ilang beses pang hagupitin ng bagyo, naka­tayo pa rin at laging nakangiti.

AMERIKANO

KAHIT

KANO

NORTHERN LUZON

ONDOY

PINOY

QUEZON CITY

SAN MA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with