DEHINS biro ang pitsang makokolekta ng Land Transportation Office sa kanilang bagong pa-utot na obligahin ang lahat ng sasakyan sa Philippines my Philippines na lagyan ng ‘radio frequency identification chips’ para daw mabilis nilang maamoy kung ang sasakyan ay ginagamit sa kawalanghiyaan.
Naku ha!
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang nakalimutan ng LTO isama para kabitan ng RFID chips ang mga kariton, bisekleta at pedicab kasi nga mga sasakyan din ito. Tama ba, DOTC Secretary Larry Mendoza, Your Honor?
Sabi nga, sayang din ang masisingil at kikitain todits. Hehehe!
Billion of pesos ang project na ito, na itinulak ng STRADCOM sa LTO para ipatupad ang singilan blues.
Sino kaya ang gustong kumita sa LTO?
Magkano kaya ang komisyon ng mga bugok dyan sa LTO?
May bidding bang ginawa?
Kung mayroon ilang kaya ang sumali?
May basbas ba ang STRADCOM sa National Telecommunication Commission regarding sa itinutulak na hi-tech RFID chips?
Baka magulat ang madlang people kapag nagsalita ang NTC kung qualified ang STRADCOM sa pinaguusapan nating isyu.
Sabi nga, mapanganga!
Mukhang hindi maganda ang timing ni LTO bossing Art Lomibao sa project na gusto nitong ipatupad lalo’t napapabalitang tatakbo siya bilang Congressman dyan sa Pangasinan?
Maganda sana ang proyekto ang problema mukhang may problema nga? Hehehe!
Ika nga, malaki.
Tuloy nairita este mali naiintriga pala si Art dito?
Maganda ang adhikain sana kaya lang mali ang timing?
Naku ha!
Ang lakas talaga ng STRADCOM muntik na naman makakopo ng panibagong kontrata.
Ang STRADCOM kasi ang nakakuha ng kontrata sa computerization program ng LTO at muntik na rin makuha ang kontrata sa COMELEC tungkol sa modernization ng kanilang facilities.
Sabi nga, computerization!
Hindi lang isa ang komokontra sa nasabing RFID chips ng LTO marami na ang naglabasan sa lungga para kadenahan este mali kondenahin pala ang nasabing panukala.
Pati ang Malacañang ay pumapalag din dito.
Sabi nga, makakasira at maiintriga ang palasyo tungkol todits.
Abangan.