^

PSN Opinyon

Pumalit sa karapatan

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -

KASO ito ng kompanyang CRS at ng mag-asawang Bert at Fely. Noong Setyembre 1981, nakiusap sina Bert at Fely sa kaibigan nilang si Resty na presidente ng CRS upang ipahiram sa kanila ang dalawang parselang lupa na pag-aari ng CRS. Gagamitin nilang prenda ang lupa upang makautang sa bankong PBTC. Noong Setyembre 21, 1981, ipinahiram nga ng CRS sa mag-asawa ang     mga titulo ng dalawang lupa sa pamamagitan ng isang board resolution ng kompanya na nakapaloob sa isang secretary’s certificate. 

Nadiskubre ng CRS noong Setyembre 28, 1981 na pineke lang ni Fely ang pirma ng corporate secretary ng kompanya. Gayunpaman, nakautang pa rin ang mag-asawa ng P610,000 mula sa PBTC matapos pumirma ng kasulatan ng sangla (real estate mortgage) na may petsang Setyembre 30, 1981 at kasulatan ng pagka­kautang ( promissory notes) na may petsang Oktubre 7 at Oktubre 15, 1981. Ginamit nila ang pinalsipikang    secre­tary’s certificate upang makautang.

Hindi nabayaran ng mag-asawa ang utang nila sa banko kaya inumpisahan nito ang pagremata sa lupa. Sa umpisa, napigil ng CRS ang ginagawang pagremata ng banko sa pamamagitan ng pagsasampa ng kaso sa korte upang ipawalang-bisa ang sangla gamit ang palsipikadong corporate secretary’s certificate. Bandang huli, nakakuha ng paborableng desisyon ang PBTC mula sa Korte Suprema. Animo raw tanggap na rin ng CRS ang ginawa ng mag-asawa. Ipinagpatuloy ang pagremata sa lupa, upang hindi ito makuha ng banko, noong Abril 5, 1994, napilitan ang CRS na bayaran na lang ang utang ng mag-asawa pati interes at penalty na umabot lahat sa halagang P3,367,474.42.

Noong Abril 9 at Abril 20, 1996, siningil ng CRS sa mag-asawa ang kabuuang halaga na ibinayad sa PBTC. Noong Hunyo 20, 1996, nang hindi pa rin magbayad ang mag-asawa, pormal na nagsampa ng reklamo sa korte ang CRS laban sa kanila. Sa isang resolusyon na may pet­sang Pebrero 14, 1997, ibina­sura ng korte ang reklamo ng kompanya sa mosyon din ng mag-asawa. Napag-alaman ng korte na nadiskubre ng kom­panya ang panloloko ng mag-asawa noon pang Setyembre 28, 1981. Ayon sa korte, may apat na taon lang ang kom­pan­ya mula sa pagkadiskubre ng panloloko upang idemanda   ang mag-asawa kaya malinaw na lampas na ang kompanya sa takdang palugit ng pagsa­sampa ng kaso nang magde­manda ito noong Hunyo 20, 1996. Tama ba ang korte?

MALI. Nang bayaran ng CRS ang utang ng mag-asawa sa PBTC upang hindi mare-mata ang lupa, nagkaroon ito ng karapatan bilang “third party accommodation mortgagor”. Ang kompanya ang pumalit      sa karapatan ng mag-asawa upang magbayad sa utang. Ayon sa batas ( Art. 1236, 2nd paragraph, Civil Code), maaa­ring habulin ng sinuman ang utang na binayaran para sa iba maliban kung binayaran ito ng hindi nalalaman ng nangutang o kaya ay laban sa kagustuhan ng nangutang. Sa ganitong pag­kakataon, maaaring pabayaran ang ginastos hanggang sa ha­lagang nakabuti sa nangutang.

Kahit pa binayaran ng CRS ang utang nang hindi nalala-man ng mag-asawa o laban sa kanilang kagustuhan, may ka­rapatan naman talaga ang kompanya na pabayaran ang ginastos alinsunod sa batas. May interes na pinanganga­lagaan ang kompanya dahil ito ang may-ari ng lupa na isi­nang­la ng mag-asawa sa banko. Pangalawa, pumalit ito sa ka­rapatan ng PBTC bilang nagpa­utang. Nang binayaran ng CRS ang utang ng mag-asawa, lahat ng karapatan ng PBTC ay nali­pat sa kompanya. Hindi nawala ang obligasyon na magbayad ng utang kundi nalipat lang sa iba.

Ang basehan ng pagde­deman­da ng CRS ay ang kasu­latan ng sangla. Ayon sa batas (Art. 1144 Civil Code), natata­pos ang karapatan ng sinu- man na maghabol sa sangla    sa loob ng sampung taon mula ng ba­yaran ng CRS ang utang ng mag-asawa sa PBTC noong Abril 5, 1994. Kung ikukum-para, ang pagsasampa ng rek­lamo sa korte ay ginawa noong Hun­yo 20, 1996, dalawang bu­wan mula nang singilin ng CRS     ang mag-asawa noong Abril 9, at 23, 1996. Malinaw na may karapatan ang CRS na mag­- de­manda, ibase man ito sa petsa ng paniningil o sa petsa ng pag­sa­sampa ng reklamo.

Dapat lang na bayaran        ng mag-asawa ang halagang P3,367,474.42 at interes na 16% porsyento mula noong Abril 9, 1996 pati 5% ng kabuuang halaga bilang gastos sa abo­gado (attorney’s fees) (Cecille­ville Realty etc. vs. spouses Acuna, G. R. 162074, June 13, 2009).  

ABRIL

ASAWA

AYON

CIVIL CODE

CRS

MAG

NOONG

SHY

UTANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with