^

PSN Opinyon

Training ba talaga?

K KA LANG? - Korina Sanchez -

ISANG Marinong trainee ang nahuli habang minaman­-    manan at kinukuhanan ng litrato ang tahanan ni Bien­venido Lumbera, isang National Artist. Ang dalawang kasama nung Marino ay nakaalis bago mahuli ng mga guwardiya ng Mapayapa Village. Napansin ng mga katulong ang tatlong lalaki habang kinukunan ang tahanan ni Lumbera, na nataon naman na miyembro rin ng Bayan, Alliance of Concerned Teachers (ACT) at Con­cerned Artists of the Philippines, pa­wang mga grupo na madalas maki­pagsapalaran sa gob-yerno. Ayon sa Navy, isang training mission ang ginampanan ni Cpl. Hannibal Guerrero, pati nung dalawang kasama na nakatakas. Hu­mingi ng paumanhin ang Navy kay Lum­bera kung nabulabog ng mga tauhan nila ang tahanan nung Natio-   nal Artist.

Training mission. Ito ang opisyal na paliwanag sa insiden­teng ito. At hindi naman daw sinadyang piliin ang tahanan ni Lumbera, nataon lang daw. Kasama raw ito sa pagsasanay ng intelligence branch ng Navy. Kaya sa kaso ni Guerrero, mukhang bagsak siya dahil nahuli pa ng “kalaban”. Pero bakit naman sa mga sibilyan na walang kamuwang-muwang ang ginagawang mga “target”? Paano pala kung praning ang may­bahay at pinagbabaril ang mga trainee? Dapat namang ipaalam sa maybahay ang plano, nang hindi naman matakot at mag-panic! Natural, ang diskusyong ito ay kung totoong training mission lang ang nangyari.

Kung ganun, may katotohanan ba na ang training ng       ilang sundalo ay mangholdap ng bangko? Na kapag mata­gum­pay ay pasado na sa kurso? Paano pala ang perang nakuha? Ibabalik ba? Paano kung may nagba­rilan? Sorry na lang? Mata­gal ko nang narinig ang kwen­tong ito, pero hindi ko binigyan ng pansin hanggang ngayon, dahil sa insidente sa bahay ni Lumbera.

Hindi puwedeng ibale-wala na lang ang insidenteng          ito. Paano pala kung hindi nga training at nahuli na lang talaga? Kahit sino ay pwedeng maging target ng ganitong pag­lalabag sa karapatang pantao.

Walang kara­patan ang anumang ahen­siya ng gob­yerno na gamitin ang ordi­naryong mamama­yan sa isang pagsa-sanay nang walang pahintulot, lalo pa kung sun­dalo, pulis o bodyguard ang mga trainee!

ALLIANCE OF CONCERNED TEACHERS

ARTISTS OF THE PHILIPPINES

HANNIBAL GUERRERO

KUNG

LUMBERA

MAPAYAPA VILLAGE

PAANO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with