(10) PAGLUBOG ng Titanic, Apr. 15, 1912, nu’ng kauna-unahang biyahe, sa nagyeyelong karagatan — Mahigit 1,500 pasahero nalunod; $7 milyon — $150 milyon ngayon — ang gastos sa paggawa ng dambuhalang barko.
(9) Banggaan ng kotse at tanker truck sa Wiehltal Bridge, Germany, Aug. 2004 — Sumabog sa expressway ang 32,000 litrong gasolinang karga ng tanker; $358 milyon para emergency repairs at palitan ang tulay.
(8) Banggaan ng passenger at cargo trains sa California, Sept. 2008 — 25 patay; lumampas sa red light ang pampasahero habang nagte-text ang engineer; mahigit $500 milyon ang babayarang demanda.
(7) B-2 Stealth bomber crash, Guam, Feb. 2008 — sirang instrumento, naka-eject ang dalawang piloto; durog ang eroplanong $1.4 bilyon.
(6) Exxon Valdez oil spill, Gulf of Alaska, Mar. 1989 — pinaka-malalang oil spill sa kasaysayan, 43 milyong litro ng krudo kumalat nang sumadsad ang supertanker; $2.5 bilyon gastos sa paglilinis.
(5) Piper Alpha oil rig accident, North Sea, July 1988 — nakalimutan ng mga inspektor isara ang 1 sa 100 barbula; 167 manggagawa patay sa sunog; $3.4 bilyon natupok.
(4) Space shuttle Challenger sumabog, Jan. 1986 — 73 segundo mula takeoff, habang nanonood ang libu-libo sa Florida at sa TV; isang O-ring sira; halaga ng space shuttle, $2 bilyon noon, $5.5 bilyon ngayon.
(3) Prestige oil spill, Spain, Nov. 2002 — Sumabog ang 1 sa 12 holds ng supertanker habang nakadaong dahil sa bagyo; lumubog at nagkalat ng 80 milyong litrong krudo sa dagat; $12 bilyon halaga ng paglilinis.
(2) Space shuttle Columbia sumabog, Feb. 2003 — Sa ere ng Texas, habang pabalik sa lupa, matapos ang 16 na araw sa outer space; nabutas ang pakpak; $13 bilyon halaga ng Columbia at paghahakot ng pira-piraso.
(1) Chernobyl nuclear accident, Ukraine, Apr. 1986 — 50% ng kapaligiran wasak sa pagsabog ng nuke plant, 200,000 tao nilikas, 1.7 milyon pa naapektuhan ang hanapbuhay; $200 bilyon ibinayad.